top of page
SPECIAL - JILLIAN, GUSTONG HANGGANG PAGTANDA, FRIENDS SILA NI EMAN_IG _emanbacosapaquiao &

P170K ambag ng kada Pinoy, inihirit ni Sen. Alan… “‘WAG KASING NAKAW NANG NAKAW” — POKWANG

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | November 29, 2026



BULGARY - “‘WAG KASING NAKAW NANG NAKAW” - POKWANG_IG _itspokwang27

Photo: IG _itspokwang27



Nagbigay ng makahulugang reaksiyon ang aktres-comedienne na si Pokwang sa pahayag ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano (APC) na, “Lahat tayo, magnanakaw. Lahat kayo, lahat tayo ay magnanakaw sa gobyerno.”


Sa kanyang Instagram (IG) Story, pabiro niyang sinabi na sana ay hindi totoo ang pahayag ng senador. 


“Sana po, ‘di totoong sinabi n’yo ‘to, APC, kasi hahanapin ko pa tuloy kung saan ‘yung ninakaw ko! Hayyy,” sey ni Pokwang.


Ang tinutukoy ng komedyana ay ang pahayag ni Cayetano na nag-ugat sa talakayan tungkol sa pagbabayad ng pambansang utang at pananaw ng publiko sa mga opisyal ng gobyerno.


Sa isa pa niyang IG Story, may komento pa ang komedyana tungkol sa panukalang boluntaryong pag-aambag ng P170,000 mula sa mga maykayang Pilipino upang makatulong sa pagbabayad ng utang ng bansa.


Aniya, “‘Wag kasing nakaw nang nakaw, ‘yan ang solusyon!”


Inihambing kasi ni Cayetano ang antas ng tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan ng Pilipinas at South Korea. Ayon sa kanya, isa ito sa mga malaking hamon sa pagkakaroon ng boluntaryong pag-aambag mula sa publiko. 


Binigyang-diin din ng kanyang tanggapan na hindi direktang inaakusahan ng senador ang lahat ng lingkod-bayan na sangkot sa pagnanakaw.


Samantala, naging matagumpay naman sa takilya ang pelikulang 2 Valid IDs na pinagbibidahan ni Pokwang.


Inihayag ng direktor na si Ma-an L. Asuncion-Dagñalan na nakatakdang makilahok ang pelikula sa Hawaii International Film Festival, bukod sa iba pang inaasahang international screenings.





HINDI raw akalain ni Aga Muhlach na maaabot pa niyang muli ang dati niyang pangangatawan, kaya kabilang ito sa pinakamalalaking himalang ipinagpapasalamat niya ngayon kasabay ng patuloy na pag-usad ng kanyang career.


Ibinahagi ni Aga na talagang sineryoso niya ang pagpapapayat at ibinigay ang lahat para maabot ang kanyang target.


“‘Yung pagpayat ko… ‘di ko akalain na aabutin ko ‘to talaga. Isinarado ko, pikit-mata. Sabi ko, gawin na natin, sagad-sagad talaga, so isa ‘yan,” pahayag niya.


Pero higit sa pagbabago ng kanyang pangangatawan, malaking bagay rin para kay Aga ang patuloy na pagtanggap at pagpapahalaga ng publiko sa kanyang mga ginagawa. Masaya siya na sa kabila ng napakaraming taon sa showbiz, patuloy siyang nabibigyan ng mga proyekto at papuri.


Sa edad na 57, aminado ang aktor na hindi niya inasahan ang mga biyayang patuloy na dumarating sa kanyang buhay, lalo na ang muling mapabilang sa malaking proyekto na mapapanood sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026.


“Wala talagang katapusan na mirakulo araw-araw, so maraming-maraming salamat sa ating Panginoong Diyos. Maraming-maraming salamat sa mundong ‘to,” masaya niyang pahayag.

Sa 2nd Miracle in Cell No. 7, makakasama ni Aga sina Jodi Sta. Maria, Mon Confiado, Joel Torre, JC Santos, Jojit Lorenzo, Xia Vigor at Soliman Cruz.


Sa direksiyon ni Nuel Crisostomo Naval at panulat ni Mel Mendoza-Del Rosario, mapapanood ang pelikula sa mga sinehan sa buong bansa simula Disyembre 25, bilang bahagi ng MMFF 2026.





Mga inglesero na, mamahaling sasakyan pa ang topic… PBB HOUSEMATES, PARE-PAREHONG RICH, MASANG VIEWERS, ‘DI MAKA-RELATE



HINDI lang ang babala ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Lala Sotto ang pinag-uusapan ngayon kundi pati ang komposisyon ng mga housemates sa Pinoy Big Brother (PBB) Collab 3.0.


Puna ng mga netizens, mayayaman ang halos lahat ng housemates at walang pang-masa.


Napansin din ng ilan ang madalas na pag-uusap ng mga housemates tungkol sa mamahaling sasakyan at iba pang bagay na hindi maka-relate ang mga ordinaryong Pinoy.


Pati paggamit ng English sa kanilang mga pag-uusap ay binanggit na maaaring magparamdam sa ibang mga viewers na hindi sila kabilang sa mundong ipinakikita sa Bahay ni Kuya.


Pero hindi rin naman lahat ay sang-ayon sa ganitong panghuhusga. May mga nagtanggol sa ilang housemates at sinabing hindi makatarungang tawaging ‘nepo baby’ ang lahat dahil lamang sa kanilang pinagmulan.


May pumuri pa sa lalim ng pag-iisip ng ilan sa mga kalahok, gayundin sa kakayahan nilang makipag-usap, magtanong at magbukas ng makabuluhang talakayan sa loob ng bahay. Nagiging masyadong emosyonal din daw ang ilang mga fans at posibleng ang kanilang mga reklamo ang nagpalaki sa usapin.


Hindi tuloy maiiwasang itanong kung nagbago na ang konsepto ng PBB sa paglipas ng mga taon o sadyang nag-iba na rin ang panlasa ng mga manonood.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page