Madir ni Arjo, may resibo… SYLVIA, NAGSALITA NA SA PAGDEDMA RAW NI RIA KAY MAINE

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 29, 2026

Photo FB Maine Mendoza & FB Sylvia Sanchez
Mariing pinabulaanan ng multi-awarded actress na si Sylvia Sanchez ang mga kumakalat na balitang hindi pinansin ng anak niyang si Ria Atayde ang sister-in-law nitong si Maine Mendoza sa screening ng Moonglow movie na bida si Arjo Atayde at mayroon umanong alitan ang dalawa.
Sa isang panayam, nilinaw ni Sylvia, mother dearest ng Quezon City 1st District representative na si Arjo, na walang katotohanan ang nasabing isyu.
Sey ni Sylvia, “‘Di totoo na ‘di pinansin ni Ria si Maine at wala silang alitan. In fact, sa loob ng sinehan ay magkasama sina Maine at Ria at nagkukuwentuhan pa.”
Samantala, sa social media post ni Sylvia, nagpasalamat siya sa Gawad Amerika para sa pagkilalang ipinagkaloob sa pelikulang I’mPerfect.
Aniya, “Our heartfelt thanks to Gawad Amerika for recognizing I’MPERFECT and for helping us bring its message and advocacy to a wider audience. These awards are more than just recognition of a film; they are also an affirmation of the talents, abilities, and stories of persons with Down Syndrome and other persons with disabilities (PWDs).
“Sana, mas marami pa tayong maabot, mas marami pang puso ang mabuksan, at mas marami pang opportunities ang mabigyan sa ating mga kababayang PWDs. May this recognition inspire more people to look beyond disabilities, appreciate individual abilities, and, more importantly, create spaces where everyone is given a fair chance to shine.
“Maraming salamat, Gawad Amerika, for being part of this journey and for helping us amplify a message that goes beyond the big screen. May we continue to work together towards a world where inclusion is not just an advocacy, but a reality.”
Well, congratulations, Sylvia, at sa buong team ng I’mPerfect.
NAGPASALAMAT ang Filipino-American content creator na si Lulu Balgos, o mas kilala bilang Mama Lulu, sa Megastar na si Sharon Cuneta matapos makatanggap ng Thanksgiving treats and gifts mula rito.
Sa kanyang social media post noong Nobyembre 26, hindi raw niya akalaing makikilala siya at ang kanyang pamilya ng isa sa mga babaeng labis niyang hinahangaan.
Bukod sa mga awitin, pelikula at palabas ni Sharon, mas hinangaan niya ang kabutihan ng puso ng Megastar.
Nagkomento rin si Sharon sa post at ipinahayag ang pagmamahal niya kay Mama Lulu, kay Olly at sa buong pamilya nito.
Sey ni Mama Lulu, “Thank you so much to the one and only Megastar, Sharon Cuneta, for all of these amazing treats and gifts. Just in time for Thanksgiving.
“Never thought in our lifetime that one of the women I admire the most would know my family and I. Your songs, films, and shows have given so many people joy. But your kindness as a human being is what shines through the most.
“Forever a Sharonian, Mama LuLu.”
Bumati naman si Sharon at mensahe niya: “Dearest Mama Lulu, I am so happy that we are in touch even if just via Instagram. I love you and your family. You bring me so much joy through your posts, especially on my lowest days. Thank you for being you, and for sharing snippets of your life with us! God bless you always.
“Sending lots of love and tight hugs with these gifts! Always, Sharon.”
In fairness, napaka-sweet talaga ni Megastar.
HUMANDA na sa bigating patalbugan ng kulitan at tawanan sa season finale ng Gandang Gabi Vice (GGV) dahil sa kauna-unahang pagkakataon, makakasama ng Phenomenal Unkabogable Superstar na si Vice Ganda ang nag-iisang Bossing Vic Sotto, na mapapanood ang kanilang extended harutan sa GGV: Unfiltered, exclusively sa iWant.
Dadalhin ng noontime icons ang kanilang estilo sa pagpapatawa sa late-night habang ibabahagi rin nila ang kanilang naisin na makapagbigay-saya at inspirasyon sa nakararaming Pilipino. Ilalahad din ni Bossing Vic ang kanyang buhay sa likod ng camera at babalikan niya ang kanyang makulay na karera sa showbiz.
Samantala, ikukuwento rin nina Vice at Vic ang kanilang hindi malilimutang moments sa kanilang kauna-unahang pagsasama sa pelikulang The Greatest Showdown, ang opisyal na entry ng Star Cinema sa 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF). Mapapanood ito nationwide sa mga sinehan simula ngayong Pasko.
Makikisali rin sa tawanan sina Jose Manalo, Ryan Bang at Klarisse de Guzman, na sasabayan din ng special musical performance mula sa kauna-unahang Eurovision Asia winner na si Carmelle.
Abangan ang kanilang unfiltered kulitan sa GGV: Unfiltered two-part season finale ngayong Nobyembre 29 at Disyembre 6, 11 PM sa iWant.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments