Fans, turned-off… GERALD, GUSTO RAW BAWIIN ANG ROLEX AT CARTIER WATCH NA INIREGALO KAY JULIA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 29, 2026

Photo: FB Circulated
Marami ang nakapansin sa kakaibang hitsura ngayon ni Gerald Anderson. Hindi na siya tulad ng dati na matikas, maporma at malakas ang sex appeal.
Ngayon, mukhang kumupas na ang kanyang karisma. Hindi na siya ang dating Gerald na chickboy ang image.
Pagkatapos ng breakup nila ni Julia Barretto ay sa kanyang mga negosyo ibinuhos ng aktor ang kanyang panahon. Hindi na niya priority ang kanyang love life.
Samantala, may mga netizens na na-turn-off kay Gerald dahil sa kumakalat na tsikang gusto raw niyang bawiin ang mga mamahaling regalo na ibinigay niya kay Julia noong sila ay magkarelasyon pa, tulad ng relong Rolex at Cartier.
Kaya naman, ‘Indian giver’ ang bansag ngayon kay Gerald dahil bigay-bawi daw pala siya sa kanyang mga regalo kay Julia.
Well, kung tutuusin, wala namang problema sa aktres dahil willing naman siyang ibalik kay Gerald ang mga luxury watches na iniregalo sa kanya. Pero taliwas ito sa opinion ng marami na dapat ay hindi binabawi ng lalaki kung anuman ang naibigay niyang regalo sa dating nobya. Tutal, kusa naman niyang ibinigay ang mga regalo na ito kay Julia.
Buti na lang magaling kumanta…
REGINE, ‘DI IN-EXPECT NA SISIKAT DAHIL HIRAP MAGBASA
HINDI ikinahihiyang aminin ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na noon pa man ay may dyslexia na siya kaya hirap magbasa at mag-spell noong nag-aaral pa siya.
Malaking dusa para sa kanya ang makatapos sa pag-aaral, kaya tanggap niya ang kanyang kakulangan sa kaalaman. Hindi nga raw maintindihan ng kanyang mga guro ang kanyang penmanship.
Pero dahil magaling siyang kumanta, hindi niya akalain na mararating niya ang kasikatan bilang singer, sa kabila ng kanyang pagiging dyslexic.
Ang tanging ambisyon lang niya noon ay sumikat at kumita nang malaki para sa kanyang pamilya. Siya ang tumayong breadwinner.
NAGTATANONG ang ilang mga entertainment writers kung nagtitipid na ba si Kris Bernal kaya mga vloggers na lang ang kanyang inimbita sa launching ng kanyang bagong product na Best Mama.
Wala ba siyang budget sa press para sa promo ng nasabing produkto? O baka naman mas bet na ni Kris ang mga vloggers kaya sila na lang ang inimbita niya para sa coverage ng launching ng kanyang mga products?
Ang Best Mama ay para sa mga mommies na nagpapa-breastfeed. Para kay Kris, importante ang pagpapadede sa kanilang mga sanggol dahil mas nagiging malusog ang mga ito at hindi magiging sakitin. Proven na niya ito sa kanyang unica hija na sinanay niya sa breastfeeding.
Rochelle at iba pang members, get, get, out! SEXBOMB JOPAY, SUNSHINE, MIA AT JOHLAN, SAMA-SAMA SA MOVIE
NAG-SHOOT na pala ng movie sa Kawasaki, Japan sina Jopay Paguia, Sunshine Garcia, Mia Pangyarihan at Johlan Veluz. Sila ang bibida sa comedy movie na Get, Get, Out! na produced ng Mavx Productions at mula sa direksiyon ni Noah Tonga. Kasama rin sa pelikula ang comedienne na si Kakai Bautista.
Five years nang nakaplanong gawin ang movie na pagsasamahan ng mga Sexbomb Girls. Si Sunshine at ang producer ng Mavx Productions na si Lucky Blanco ang bumuo ng concept ng movie.
Pero dahil marami ang Sexbomb Girls, ang payo ni Lucky kay Sunshine ay piliin na lang kung sino ang malapit sa kanya at komportable siyang makatrabaho, kaya sina Jopay, Mia at Johlan ang kanilang naging choice.
Well, may chemistry sila kaya masaya ang ambiance sa set. Obvious na magkakampi sina Jopay at Sunshine kaya sila ang naggrupo para sa movie ng Sexbomb.
Ang tanong ng mga fans, gagawa rin kaya ng movie ang grupo ni Rochelle Pangilinan?





Comments