Sumugal talaga sa unang movie niya… ANDREA, NAWALA ANG TAKOT DAHIL SA PAYO NI BELA

ni Julie Bonifacio @Winner | November 29, 2026

Photo: Blythe at Bela / Instagram
Ibinulgar ni Andrea Brillantes ang aktres na nang-engganyo sa kanya na huwag matakot at tumanggap ng mga mapangahas na roles. Dahil daw sa mga sinabi sa kanya nito kaya tinanggap niya ang first lead role niya bilang si Sab sa pelikulang Laya.
“Si Ate Bela (Padilla),” pagbubunyag niya.
Paliwanag niya, “Kasi po nu’ng ginawa namin ang Rekonek, sinabi ko sa kanya, ‘Ate Bela, after nito, pupunta ako sa Cebu.’ Tapos, ‘yun na nga, nakatrabaho n’ya si Kuya JC (Santos). Ang dami n’yang sinabing magagandang things about Kuya JC na ‘di ako dapat mag-alala dahil napakabait.
“‘You’re very lucky to be working with Kuya JC.’ At sabi pa n’ya na ‘wag daw akong matakot. Kasi kung magpo-focus ako ru’n, wala akong magagawa talaga.”
Hindi raw siya magkakaroon ever ng pelikula kung magpapadala siya sa takot.
Tama ang naging desisyon ni Andrea na sumunod kay Bela. One big risk na isinugal niya ang pagtanggap ng mabigat at mahirap na role para sa bago niyang pelikula.
Napanood namin ang Laya during the special screening nito sa Cinema 18 sa Gateway, Cubao last Friday. Sumaglit si Andrea sa naturang special screening pero hindi na niya tinapos ang film. May kasunod din kasi itong block screening sa SM North EDSA.
Prior to the block screening sa Gateway, nanggaling naman ang aktres sa isa pang special screening sa Antipolo, Rizal. And take note, may kasabay na special screening ng Laya sa Cinema 18 at sa katabi nitong sinehan (Cinema 19) sa Gateway.
So, bale sa isang araw, apat na special screenings ang pinuntahan ni Andrea.
Walang duda na ang Laya ay isa sa mga pinakamagandang pelikula ngayong 2026, kung hindi man pinakaangat.
Big congratulations sa Team Laya sa pangunguna ni Direk Sigrid Andrea Bernardo at ng Rein Entertainment Productions.
Well, ang ganda ng shots sa mga butanding o tuki. The movie is shot entirely in Oslob, Cebu.
What a brilliant performance from Andrea. Brave. Bold. Daring.
Deserve na deserve niya ang Women and the World International Film Festival (WWIFF) Best Acting Performance award in London.
Grabe rin ang performance ni JC. He really is the best actor of his generation.
Palabas pa ang Laya sa mga sinehan kaya huwag palampasin at samantalahin ang long weekend dahil holiday hanggang Monday.
SINUGOD ng mga tao ang Bahay ni Kuya last Saturday.
Nope, hindi raw ito protesta sa pagkawala ng livestreaming ng Pinoy Big Brother (PBB) Collab 3.0 kundi nagbenta ang mga housemates ng streetwear merchandise at inilagay ito ng mga staff sa labas ng Bahay ni Kuya, sa PBB House facade. At ‘yun nga, dinagsa ng mga supporters.
For charity naman kasi ang pagdadalhan ng kikitain sa pagbebenta ng merchandise ng mga housemates, kabilang ang Child Haus and Autism Society Philippines.
SAMANTALA, ang Love at First Spike (LAFS) ang kaisa-isang entry ng Pilipinas sa International Emmy Awards 2026 sa New York City, kung saan nominado ito sa Kids: Live Action category kasabay ang mga programa mula sa Chile, Netherlands at UK (United Kingdom).
Abangan ang LAFS sa primetime ngayong Nobyembre 30, 9:30 PM, pagkatapos ng The Loyalty Game: Level Up sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB), gayundin sa TFC. Napapanood din ang episodes nito on-demand sa iWant.





Comments