P14B sobrang singil ng Meralco, ibalik agad sa kostumer — ERC
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni BRT @News | April 23, 2026

Photo: File / Meralco
Inutusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Meralco na ibalik ang natitirang P14.17 bilyon sa kanilang mga kostumer.
Ang refund na ito ay mula sa "true-up" process o pagtatama ng distribution charges na ipinatupad mula Hulyo 2022 hnggang Disyembre 2024.
Sa halip na ang orihinal na 36 na buwan, iniutos ng ERC na tapusin ang refund sa loob lamang ng 12 buwan upang makapagbigay ng agarang ginhawa sa gitna ng tumataas na presyo ng kuryente.
Dahil pinaikli ang panahon ng pagbabayad, tataas ang refund rate tungo sa P0.2511/kWh mula sa dating P0.1189/kWh.




Comments