P10M multa sa paglabag sa Republic Act 10654

Updated: Jun 19, 2024
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 18, 2024

Dear Chief Acosta,
Nakatira kami ng aking asawa malapit sa dagat, at may parte nito na may mga nakatayong puno ng mga mangroves. Nais naming malaman kung mayroon ba kaming malalabag na batas kung sakaling gagawin naming parte ng fishpond ang mga puno na ito? Salamat sa inyong kasagutan. -- Nel
Dear Nel,
Isa sa mga idineklarang polisiya ng ating Estado ay ang pagbibigay ng proteksyon sa ating mga likas na yaman. Kaugnay nito, ang kasagutan sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 86 ng Republic Act (R.A.) No. 10654, “An Act to Prevent, Deter and Eliminate Illegal, Unreported and Unregulated Fishing, Amending Republic Act No. 8550, Otherwise Known as “The Philippine Fisheries Code of 1998,” and for Other Purposes, na nagsasaad na:
“Section 99. Conversion of Mangroves. – It shall be unlawful for any person to convert mangroves into fishponds or for any other purpose.
Upon a summary finding of administrative liability, the offender shall be penalized with a fine equivalent to the ecological value of a hectare of mangrove based on available studies or administrative fine of Ten million pesos (P10,000,000.00) per hectare, whichever is higher: Provided, That if the area requires rehabilitation or restoration as determined by the Department, the offender shall also be required to restore or pay for the restoration of the damaged area.
Upon conviction by a court of law, the offender shall pay a base fine of Eighty thousand pesos (P80,000.00), a fine equivalent to the administrative penalties, and shall suffer the penalty of imprisonment of six (6) months and one (1) day to twelve (12) years: Provided, That if the area requires rehabilitation or restoration as determined by the court, the offender shall also be required to restore or pay for the restoration of the damage. The offender shall be liable for environmental damages computed at Five hundred thousand pesos (P500,000.00) per hectare per year until the area is restored.”
Nakasaad sa nasabing probisyon ng batas na ang pagbabago ng isang mangrove upang gawing fishpond o para sa ano mang kadahilanan, ay isang akto na labag sa batas. Ipinaliwanag sa Seksyon 99 ng Republic Act (R.A.) No. 10654 na matapos na magkaroon ng summary finding na ang isang tao ay may administratibong pananagutan, siya ay pagbabayarin ng multa na katumbas ng ecological value ng ektarya ng sangkot na mangrove base sa mga pag-aaral, o administratibong multa na nagkakahalaga ng P10,000,000.00 kada ektarya, kung ano man ang mas mataas ang halaga sa dalawa. Karagdagan dito, kung magkakaroon ng paglilitis sa korte at mapatutunayan na ang isang tao ay nagkasala nang naaayon sa batas, siya ay aatasan na magbayad ng karampatang multa.
Kung kaya base sa iyong nabanggit na sitwasyon at upang sagutin ang iyong katanungan, ipinagbabawal sa batas na palitan o baguhin ang kalagayan o estado ng isang mangrove. Hindi dahilan na ang isang mangrove ay gagawing fishpond, o iba pang kadahilanan, upang payagan na ito ay baguhin. Bagama’t may parte ng inyong lupain na may mga mangroves, ipinagbabawal sa batas na baguhin ito o gawing isang fishpond. Ito ay upang mapanatiling maproteksyunan ang ating likas na yaman sa ano mang gawain na maaaring makasira rito.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.





Comments