P10K daw ang full tank… JENNYLYN, NAGBENTA NG SASAKYAN SA TAAS NG GASOLINA
- BULGAR

- 1 day ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 9, 2026

Photo: FB Jennylyn Mercado
Aminado si Jennylyn Mercado na apektado rin sila ng pagtaas ng gasolina ngayon kaya naman ibinenta na lang daw nila ng mister na si Dennis Trillo ang isa nilang sasakyan.
“Nagbenta po kami ng sasakyan kasi ayaw na naming gamitin dahil sa sobrang mahal ng gasolina. Because imagine, ‘yung sasakyan na ‘yun, P10,000 per full tank,” sey ni Jen sa kanyang contract signing and mediacon sa Beautederm kamakailan.
When asked kung natatakot din ba siya para sa future ng mga anak niya dahil sa nangyayari sa bansa, aniya, “S’yempre, dahil sila ‘yung haharap sa future, ‘di ba? Gusto natin ng matino at maayos na mga leaders ng bansa para sa future, sa mga kabataan.”
Pero nilinaw naman niyang wala pa rin silang balak ni Dennis na tuluyang manirahan sa Amerika kahit mayroon silang bahay doon.
“Ay, ‘di pa naman. Mas masaya rito sa Pilipinas,” sambit niya.
“Mas masarap pa rin dito, iba pa rin ‘pag kaharap mo ang mga Pilipino, kasama mo sila,” dagdag niya.
Anyway, last Wednesday ay nag-renew si Jen ng kontrata sa Beautederm bilang bagong ambassador ng Reverie Fabric Air Freshener na may anim na variants — Cafe Aroma (Coffee), First Embrace (Green Tea), Pure Serenity (Warm Vanilla), First Nostalgia (Grapefruit Citrus), Lily Rush (Matcha) at Cloud Whisperer (Cherimoya).
Sa naturang contract signing ay na-shookt ang aktres nang bigla siyang bigyan ng 18-carat diamond bracelet ng Beautederm founder/CEO na si Rei Anicoche-Tan bilang advance birthday gift sa kanya.
Gulat na gulat si Jennylyn at sey niya, “Hala, Ate! Nagbigay ka na nu’ng nakaraan, okay na ‘yun. Thank you, Ate!”
Ayon kay Miss Rei, nabigyan na raw niya ng bag si Jennylyn kaya naisip niyang iregalo na lang ang isa sa mga suot niyang alahas bilang tanda ng kanilang forever friendship.
“Sabi ko sa kanya, ‘Hindi lab-grown ‘yan, ha?’ Charing! Totoong natural ‘yan. Usually po, mas maganda ‘yung galing sa akin, eh, kasi suwerte,” sey ni Miss Rei Anicoche-Tan na noon pa ay kilala na talaga sa pagiging generous.
SA pagdiriwang ng ika-29 kaarawan ni Maymay Entrata, nag-reflect ang Kapamilya star sa nagdaang taon na nagdulot ng malaking pagbabago sa kanyang buhay.
“Itong taong ito (2025-2026) ang isa sa mga panahong pinakamalaking nagbago sa buhay ko. Pinakamasakit ang pagkawala ni Inay. ‘Di lang buhay ang nawala, kasali na rin ‘yung mga taong akala ko hanggang dulo ay maaasahan,” ang bungad ni Maymay sa kanyang Instagram (IG) post.
Pero hindi naman lahat ay sakit dahil may saya rin daw na dumating sa kanya at ito ay nang makilala niya ang boyfriend niya ngayon na si Joaquin Enriquez.
“Pero kasabay ng lahat ng sakit na ‘yun, dumating din ang saya ng makilala ang taong tunay na nagmamahal sa akin at mga taong kayang magmahal nang walang hinihinging kapalit,” aniya.
“Dito ko mas lalong na-realize na ang buhay natin ay panandalian lang talaga. May iyak, may tawa, may sakit, at may kapayapaan,” patuloy ni Maymay.
Kaya ang payo ni Maymay sa lahat, “Hangga’t maaari, tumawa ka nang madalas. Gawin mo ang mga bagay na nagpapasaya sa ‘yo. ‘Pag nangungulila o nangangamba tayo, ‘wag nating kalimutang sumamba at kumapit sa Kanya.
“Spread kindness, compassion, and love. Pero kung kaya nating ibigay lahat ng ito sa ibang tao, sana’y ‘wag din nating kalimutang ibigay ito sa ating sarili. Dahil sa huli, tayo rin ang unang taong dapat nating mahalin, alagaan, at patawarin.”
Pagtatapos ng aktres, “Maraming salamat po sa lahat ng bumati at maraming salamat, Panginoon, for another year of life.”





Comments