top of page
Search
  • BULGAR

P1-M multa at 5 yrs. pagkakakulong sa magpapanggap na Chemical Engineer

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | August 29, 2022


Dear Chief Acosta,


Nagpakilalang chemical engineer ang aking kapitbahay at nahiyakat niya akong magtayo ng negosyong may kinalaman sa kanyang propesyon. Noong nakaraang buwan lamang, napag-alaman kong nagpapanggap lamang siyang lisensyadong chemical engineer. Ano ba ang maaaring maging parusa sa kanyang ginawa? - Cassy


Dear Cassy,


Para sa iyong kaalaman, ang iyong katanungan ay tinatalakay sa Section 27 ng Republic Act (R. A) No. 9297 o mas kilala sa tawag na “Chemical Engineering Law of 2004” kung saan nakasaad na:

“Section 27. Prohibition in the Practice of Chemical Engineering. – No person shall practice chemical engineering or render chemical engineering service without a valid certificate of registration and a valid professional identification card. Any person who shall commit the following acts shall be guilty of misdemeanor:

1. Practice chemical engineering or render chemical engineering services, or pass himself off or advertise himself as a chemical engineer without a valid certificate of registration or when such has been suspended or revoked.

2. Attempt to use as his own the certificate or seal of another person or impersonate any registered chemical engineer; or

3. Furnish the Board or Commission any false information or document in order to secure a Certificate of Registration.” [Binigyang-diin]


Base sa nabanggit na probisyon ng batas, mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang pagsasanay ng Chemical Engineering nang walang kaukulang lisensya. Kabilang na ang pagpapanggap o pag-aanunsyo bilang chemical engineer kung wala namang kaukulang lisensya, paggamit ng suspendido o pasong lisensya, paggamit ng lisensya ng iba at ang pagbibigay ng maling impormasyon upang makakuha ng lisensya.


Ang sinumang magpanggap bilang lisensyadong chemical engineer ay maaaring patawan ng multa na hindi bababa sa P10,000 hanggang 1, 000, 000 pagkakakulong mula anim na buwan hanggang limang taon o parehas na multa at pagkakakulong, sang-ayon sa Section 34 ng nasabing batas kung saan nakasaad na:


“Section 34. Penal Clause. – Any person who shall violate any of the provisions of this Act shall be guilty of misdemeanor and shall, upon conviction, be sentenced to a fine of not less than Ten thousand pesos (P10,000 nor more than One million pesos (P1,000,000 or imprisonment for a period of not less than six (6) months nor more than five (5) years or both at the discretion of the court.”

Kaya naman, ang iyong kapitbahay ay maaaring makasuhan ng paglabag sa R.A. No. 9297 dahil sa pagpapanggap niya bilang chemical engineer. Bukod pa rito ang kasong maaaring isampa laban sa kanya kung sakaling mayroon pang ibang batas na nalabag dahil sa kanyang pagpapanggap at panloloko sa iyo. Gayunman, nangangailangan ng karagdagang impormasyon at konsultasyon para matukoy ito.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page