DPWH malala na, may ‘ghost’ flood control project na, may ‘aswang’ classroom projects pa!
- BULGAR

- Sep 21
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 21, 2025

MAG-ASAWANG DISCAYA PAREHONG SINUNGALING, ‘GAHAMAN’ PA SA KAYAMANANG ‘DI NAMAN KANILA, AYAW PANG ISAULI SA PAMAHALAAN KAYA TABLADO KAY SEN. LACSON NA MAGING STATE WITNESS -- Sa interview ni broadcast journalist Pinky Webb kay Senate President Pro Tempore Ping Lacson na kung sino ang may potensyal na maging state witness ng gobyerno laban sa mga pulitiko at high ranking officials ng Dept. of Public Works and Highways (DPWH) na sangkot sa flood control projects scam, ang tugon ng beteranong senador ay si former DPWH-Bulacan 1st District Assistant Engr. Brice Hernandez at hindi ang mag-asawang kontraktor na parehong sinungaling na sina Curlee at Sarah Discaya.
Nakita kasi ni Sen. Lacson ang kahandaan ni Hernandez na makipagtulungan sa pamahalaan nang pangalanan nito ang mga politician at high-ranking DPWH officials na kasabwat nila sa flood control projects scam, at paglagda rin ng waivers sa kanyang mga bank account at pagsauli ng isang luxury car sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) at kasunod na ring isasauli ang dalawang sports cars at mga motorsiklo.
Eh ang mag-asawang Discaya, pili lang ang isinasangkot na mga politician at DPWH officials, ayaw lumagda ng waiver sa kanilang mga bank account at cellphones, at kahit kailan wala silang sinabi na isasauli na nila sa kaban ng bayan ang higit P207 billion ‘na-scam’ nila sa pera ng bayan, kaya’t tama si Sen. Lacson na mas may ‘k’ maging state witness si Engr. Brice kaysa sa mag-asawang Discaya na parehong sinungaling at ‘gahaman’ sa pag-angkin sa kayamanang hindi naman kanila, period!
XXX
TIYAK TORETE NA AT KABADO PA ANG MGA SANGKOT SA FLOOD CONTROL PROJECTS SCAM DAHIL ISA-ISA NA SILANG PAPANGALANAN NI ENGR. BRICE SA ICI -- Bukod kina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Joel Villanueva, DPWH Usec. Roberto Bernardo, DPWH-Bulacan District Engr. Henry Alcantara, former Council for the Welfare of Children (CWC), former Caloocan City Rep. Mitch Cajayon, ay sinabi ni ICI Adviser, Baguio City Mayor Benjamin Magalong na marami pa raw mga pangalan ang binanggit sa kanila ni Engr. Brice na sangkot sa flood control projects.
Dahil sa sinabing iyan ni Magalong ay siguradong torete at kinakabahan na ang mga pork barrel politician at mga kurakot sa DPWH dahil malapit na silang isa-isang
papangalanan ni Engr. Brice sa ICI, boom!
XXX
DPWH, MAY ‘GHOST’ FLOOD CONTROL PROJECTS NA, MAY ‘ASWANG’ CLASSROOMS PROJECTS PA --Ibinulgar ni Sec. Sonny Angara ng Dept. of Education (DepEd) na kung may “ghost” flood control projects ay meron ding “aswang” classrooms projects ang DPWH dahil natuklasan daw niya na mahigit 1,000 silid-aralan sa buong bansa na tila pinamamahayan na ng mga aswang dahil hindi magamit na bukod sa substandard na, incomplete pa.
Grabe na talaga ang korupsiyon sa DPWH, kasi bukod sa “ghost” flood control projects, meron din pala silang raket na “aswang” classrooms projects, buset!







Comments