top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

P-Digong, kunwari pa ayaw patakbuhin si Mayor Sara sa pagka-pangulo, pwe!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 19, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 19, 2021



NABISTO NA SI P-DUTERTE ANG PASIMUNO NG PAMUMULITIKA KAHIT MAY KRISIS DULOT NG COVID-19 PANDEMIC—Inilabas ng PDP-Laban ang isang kopya ng resolution ng kanilang partido na pirmado ni P-Duterte na nananawagan sa mga party members na magdaos ng national assembly sa July 17. 2021.


Dahil pirmado ng pangulo, siya ang nag-utos ng national assembly ng kanilang partido ay pagpapatunay na siya ang pasimuno sa pamumulitika sa gitna ng COVID-19 pandemic, buwisit!


◘◘◘


SINABI NI P-DUTERTE NA AYAW NIYANG PATAKBUHIN SA PRESIDENTIAL ELECTION SI MAYOR SARA “PANG-UUNGGOY” LANG SA PUBLIKO—Isang araw matapos ilabas ng PDP-Laban ang resolusyong pagdaraos ng national assembly ng kanilang partido na pirmado ni P-Duterte, nagpahiwatig na si Presidential daughter, Mayor Sara Duterte-Carpio na nais na niyang lumahok sa 2022 presidential election.


Kung totoo ang mga kumakalat na isyu sa loob ng PDP-Laban na ang national assembly ng partidong pinamumunuan ni P-Duterte ay para i-endorso ang kandidatura ni Mayor Sara for president, pang-uunggoy lang pala ang sinabi niyang ayaw niyang kumandidato sa 2022 presidential election ang kanyang anak, period!


◘◘◘


PARANG SINABI NI SEN. KOKO NA MAY MABUTING GAGAWIN SA BANSA SI PACMAN, SI MAYOR SARA WALA—Tila natunugan ni Sen. Koko Pimentel na si Mayor Sara ang i-endorso ng kanilang partido sa 2022 presidential election at hindi si PDP-Laban President, Sen. Manny Pacquiao kaya’t nagbigay agad siya ng statement na si Pacman ang dapat suportahan dahil marami itong planong makabubuti sa mga Pilipino at sa Pilipnas.


Kumbaga, parang sinabi na rin ni Sen. Pimentel na walang gagawing mabuti sa mga Pilipino at sa Pilipinas si Mayor Sara, pero si Pacman ay meron, boom!


◘◘◘


PARANG KORTE SA ‘PINAS ANG ICC, SOBRANG KUPAD—Marso 2017 nang isampa sa International Criminal Court (ICC) ng mga human rights advocates ang kasong crime against humanity laban kay P-Duterte at sa iba pang sangkot sa EJK sa Pilipilinas, at noong June 16, 2021 lang inihirit ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda sa mga mahistrado ng ICC na imbestigahan o litisin na ang tropang Duterte.


Kung kailan uumpisahan ang paglilitis ng ICC sa tropang Duterte ay hindi pa alam ng publiko.


Pagpapakita ‘yan na ang ICC ay tulad din ng mga korte sa ‘Pinas, ang kupad umusad ang kaso, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page