Out na sa Cincinnati Open si Eala, next pokus ang U.S. Open
- BULGAR

- 1 day ago
- 2 min read
by MC @Sports News | August 18, 2026

Photo: Amanda Anisimova at Alex Eala - WTA
Natapos na ang kampanya ni Alex Eala sa Cincinnati Open. Natalo si Alex Eala kay Amanda Anisimova, 6–4, 4–6, 2–6, sa isang mahirap na bakbakan kahapon. Sa kabila ng pagkatalo, nagpakita si Alex ng matinding laban at katatagan.
Nabigo siyang magwagi muli dahil nakabawi ang world No. 10 na si Amanda Anisimova upang makapasok sa Round of 16 na idinaraos sa Mason, Ohio.
Hindi niya nakuha ang tangkang ika-10 panalo sa kanyang karera laban sa isang kalaban sa top-10. Naitala ni Eala, 21-anyos ang pito sa siyam na panalo sa top-10 ngayong season, ngunit hindi niya natalo si Anisimova sa unang pagkikita sa WTA Tour.
Nagbigay-pugay si Anisimova kay Eala matapos makuha ang tagumpay. "I know Alex is such a great player and such a fighter," aniya.
"I knew it was gonna be a really tough match. There was quite a bit of support for me tonight so I really appreciate that, because I know how loved Alex is... and for good reason.
"But I really appreciated it because I felt like I needed a pick me up in this match." Pinanatili nila pareho ang serve sa unang apat na set, bagama't nakakuha si Eala ng break point sa 4th inning bago naging matatag ang Amerikana.
May walong break-point opportunities si Anisimova, ngunit paulit-ulit na napigilan ni Eala ang pressure para lumamang sa 3-2.
May dalawang break point din si Eala sa ika-anim na laro, ngunit itinabla ni Anisimova ang set sa 3-3. Sa wakas ay nakalusot si Anisimova sa ikapitong laro, binasag si Eala sa love upang makuha ang unang kalamangan ng set, sa 4-3, ngunit tumugon si Eala sa bisa ng pagiging matatag niya.
Nakabawi ng lamang si Anisimova, at binigyan ng matinding pressure sa serve ang Pinay sa ika-10 inning para isara ang set.
Magandang simula ang ginawa ni Eala sa ikatlong set, hawak ang serve sa unang laro pagkatapos ay binasag ang lamang para sa 2-0, ngunit nakabawi si Anisimova at nanalo sa susunod na limang laro para makuha ang set, 6-2, at angkinin ang tagumpay.
Ibinaling na ngayon ni Eala ang pokus sa US Open sa Flushing Meadows, kung saan nakatakda siyang maglaro sa women's singles at sa mixed doubles kasama si Felix Auger-Aliassime. Nakatakda rin siyang lumahok sa Stars of the Open exhibition event sa fan week.





Comments