top of page
BIDA - DENNIS KAY GELLI- SISIHIN MO ‘YUNG NAGSIMULA NG GULO_IG _dennistrillo & _gellidebel

4th gold sinipa ni Yape sa Taekwondo Asiad

Writer: BULGAR
BULGAR
23 hours ago
1 min read

by Gerard Arce @Sports News | October 3, 2026



Sina Candelaria at Yape nang magwagi ng medalya sa Asian Games. (pocmedia)

Photo: Sina Candelaria at Yape nang magwagi ng medalya sa Asian Games. (pocmedia)



Sinipa ni Jeus Gabriel Yape ang ikalawang medalya at ang ika-4 na ginto para sa Pilipinas sa Mixed Individual Virtual Taekwondo sa 20th Asian Games Aichi-Nagoya 2026 sa Toyohashi Gymnasium.


Isang baguhang event sa continental competition ang nakapagbigay sa bansa ng hinihintay na panabla sa nagdaang dalawang edisyon ng quadrennial meet, matapos dominahin ang katunggaling si Chau Ngoc Tuyet Sang ng Vietnam sa finals kasunod ng 500-0 sa first round at 620-0 sa second round para sa straight set.


Naiibang event dahil ang mga atleta ay nagsusuot ng gadget na nagsisilbing batayan ng galawan. May isang karakter sa screen na maglalaban mala-virtual competition, tulad ng mga online action games gamit ang iba’t ibang pisikal na salpukan.


Dinomina pagdating sa kabuuang bilang ng sipa sa 1120-0, habang malaki ang diperensiya sa total kick count sa 21-3, at may 5-3 sa head kick at block count.


Dahil sa bagong ginto, naidagdag ang 2 gintong medalya mula kay Carlos Yulo sa paboritong floor exercise at vault event apparatus, gayundin ang gold at Asian record na 5.91-meters ni Ernest John “EJ” Obiena sa men’s pole vault.


Unang may tansong medalya si Yape sa 3rd place sa men’s individual poomsae event habang tumapos na silver si Juliana Candelaria sa women’s individual poomsae.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page