Historic win: Pagara at Progella bronze sa Asiad Beach Volleyball

by Gerard Arce @Sports News | October 3, 2026

Photo: Sina Progella at Pagara nang maka-bronze sa Asian Games. (pocmedia)
Panibagong pagtala sa kasaysayan ang batang tambalan nina Khylem Harl Progella at Sofiah Shanine Pagara nang sungkitin ang kauna-unahang medalya ng bansa at bronze medal sa women’s beach volleyball, 13-21, 23-21, 15-13 come-from-behind panalo laban sa Chinese duo nina Shuting Cao at Jie Dong, sa 20th Asian Games Aichi-Nagoya 2026 sa Aichi, Japan.
Ito ang unang beses tumuntong sa podium finish ang Pilipinas sapul nang buksan ang beach volleyball sa Asian Games noong 1998 Bangkok meet, at naiangat ng kampihang sina Cherry Ann “Sisi” Rondina at Bernadeth Pons ang laro tungo sa quarterfinals pero yumuko sa eventual gold medal winners Taravadee Naraphornrapat Taravadee at Worapeerachayakan Kongphopsarutawadee ng Thailand.
“Sobrang happy kase first time in the Philippines na maka-podium tayo in the volleyball field, so wala akong ibang masabi kundi super-super happy,” pahayag ni Progella.
“Sobrang nakaka-overwhelm sa nangyari, kase hindi po namin inexpect na ganito 'yung mangyayari, pero trinabaho po talaga namin kung ano talaga yung deserve namin kase sobrang pinagtrabahuhan po namin,” anaman ni Pagara.
“Ang ginawa lang namin is to motivate each other and with the help of our coaches, so mas kalmado, mas focus namin na hindi namin pinabayaan yung set na iyon,” saad ni Progella.





Comments