Opisinang ginawa kontra-korupsiyon, hindi dapat magpapakorup, OMB OIC Vargas!
- BULGAR

- Sep 3
- 1 min read
ni Imee Marcos @Imeesolusyon | September 3, 2025

Naku beshie, eksena na naman ang mga lulong! Hindi sila nagtagumpay sa Peoples’ Initiative at sa impeachment kay VP Sara, kaya narito na tayo ngayon -- Round 3! Are you ready?!
Ito na nga ang game plan nila: ipipilit nila si SOJ Boying Remulla maging Ombudsman para ipakulong si VP Inday bago mag-2027, at hindi lang si INDAY -- kundi LAHAT NG MGA DUTERTE.
Kasakiman pa rin ang pinaiiral nila sa gitna ng paghihirap ng mga Pilipinong binabaha — ng tubig, korupsiyon at kawalang aksyon.
Tinutukan ko ang PLAN A nilang PEOPLE’S INITIATIVE.
Binuking ko ang PLAN B nila na para mawala sa landas nila si VP Inday sa 2028.
At ngayong nasa PLAN C na tayo — na noon pa’y nakita ko na kaya ako nagsampa ng kaso.
Kung hindi sila titigil sa pamumulitika — eh ‘di mag-asaran na lang kami, dahil HINDI KO SILA TATANTANAN.
Ang Ombudsman ang bantayog ng katuwiran para sa mga lingkod-bayan -- pati ba naman ‘yan gusto na nilang baluktutin.
Habang nagsusumikap ang lahat nang tapat. Habang ang lahat ng Pilipino ay galit na dahil gustong makakita ng tuwid. Habang pilit naming nire-rebond ang sistema, heto kayo at pilit niyong kinukulot!
Ang Ombudsman ay OPISINA – HINDI PARLOR! Tigilan niyo ‘yan!
Ito naman ang mensahe ko para kay Ombudsman OIC Vargas: Kung nayayanig ka sa pressure, isabuhay mo ang sikat na kanta ni April Boy Regino. Kapag nariyan na ang suhol, itaas mo ang dalawang kamay mo at sabihin: HINDI KO KAYANG TANGGAPIN!
Ang opisinang ginawa para labanan ang korupsiyon ay hindi dapat magpapakorup! Agree?!








Comments