top of page
Search
  • BULGAR

Ooops, sandali lang daw, magsasalita rin… BOY, SHUT UP MUNA SA RESBAK NI BEA NA INUNAHAN SILA NI DOMINIC SA PAG-AMIN SA HIWALAYAN

ni Julie Bonifacio @Winner | February 13, 2024



Binasag ng mga Marites sa social media ang joint official statement nina Bea Alonzo at Dominic Roque sapagkat hindi ito klaro para sa iba at nalilito sila kung ang kasal lang ang ‘di tuloy pero nananatiling magkarelasyon ang dalawa or walang kasalang magaganap at all at wala na ring romantic relationship sina Bea at Dominic.


May mga nag-react din sa patutsada ng dalawa sa kanilang official statement para sa mga naglalabas ng balitang hiwalay na sila.


Obvious naman kung sino or sinu-sino ang tinutukoy dito nina Bea at Dominic. But primarily, duda ang mga netizens na patama ‘yun solely sa King of Talk na si Boy Abunda.


Ilang araw lang kasi pagkatapos kumpirmahin ni Kuya Boy na isinoli na ni Bea ang engagement ring niya kay Dominic at wala nang kasalang magaganap sa kanila ay saka sila naglabas ng joint official statement.


Sa renewal contract signing ng King of Talk sa GMA-7 kahapon, hiningan ng reaksiyon si Kuya Boy sa inilabas na official statement nina Bea at Dom.


Pahayag ni Kuya Boy sa GMA-7 News, “There’s a time to speak and a time to shut up. Right at this moment, I’m choosing to shut up — but not for long."


Marami naman ang naartehan sa ex-lovers, especially kay Bea. 


Parang all of a sudden, may mga ganitong paninisi na siya sa mga taong nagbabalita about her personal life, particular sa kanyang love life.


Since nagsimulang makipagrelasyon si Bea sa showbiz, lahat ‘yun, lantad sa publiko mula sa umpisa hanggang sa matapos. Pero wala naman tayong nabalitaan na may palabas-labas pa siya ng official statement lalo na nu’ng sa kanila ni Gerald Anderson.


Left and right ang appearance ni Bea noon sa kung kani-kaninong vloggers at kung paano siya ghinosting ni Gerald.


Bago rin niya ginawa ‘yun, kalat na kalat na ang balitang hiwalayan nila ni Gerald. Pero not once na inireklamo or may pasaring siya sa mga unang nag-confirm ng breakup nila.


Nasasabihan tuloy si Bea na maarte at walang originality. Kasi nga, ginawa na ‘yan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Ilan sa mga comments dito ay… “Cancel them. Kung sila pa galit, huwag na silang pag-usapan lalo na 'yung girl. Kaartehan na 'yan."


“Arte ni Bea, manager nga niya, panay cryptic post! Tapos, privacy ang iniiyak ngayon. Arte ka, Ate B.” 


“Napayaman sila ng show bizness na puno ng intriga sa simula’t sapul, masyado naman siyang pinagpala sa lahat. Kung siya, 'di rin ma-chismis at masangkot sa mga intriga, unless she wants to be irrelevant in this industry.”


Dinepensahan naman din ng mga netizens si Kuya Boy sa pasaring sa kanya nina Bea at Dom.


"Tinatanong nila kung bakit kasi ibinalita ni Boy. Siguro, tinanong ni Boy si Bea kung totoo ang balita, then na-confirm ni Bea na totoo. Siyempre, ibabalita ni Boy 'yun, trabaho niya 'yun, eh, at naka-scoop siya. And hindi naman siguro sinabihan ni Bea si Boy na huwag i-broadcast."


"Hindi naman ilalabas ni Boy Abunda kapag walang approval from someone at hindi aamin 'yang dalawa kung hindi nagsabi si Boy Abunda or si Ogie Diaz. Baka nga pagkakitaan pa nila 'yung breakup nila, eh. Basta ang alam ko, Bea Alonzo is the red flag."


So, there.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page