top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

One happy family na, Trina… ANAK NI CARLO, TANGGAP AT KINARGA PA NI CHARLIE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 23, 2024
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida  | June 23, 2024


Showbiz News
Photo: Carlo Aquino / IG

Pinuri ng mga netizens si Trina Candaza dahil ipinahiram niya ang anak nila ni Carlo Aquino na si Mithi para makita na finally ang stepmom nitong si Charlie Dizon. 


Sa photo na ipinost ni Carlo at kaibigan nito, hindi lang nakita ni Mithi ang wifey ng dad niya, kinarga pa siya nito.


Nakatalikod si Mithi habang karga ni Charlie, pero alam ng mga netizens na si Mithi ang bata, kaya pinuri nila si Trina dahil kahit masakit daw sa kanya, hinayaan pa rin niyang makasama nito ang ama at ang stepmom.


May mga nakisimpatya rin kay Trina dahil kung titingnan ang larawan, masaya sina Carlo at Charlie at mga kaibigan kasama si Mithi, larawan sila ng isang masaya at complete family, samantalang si Trina, si Mithi lang ang meron siya at kapag na kina Carlo at Charlie ang anak, mag-isa lang siya.


The mere fact na ipinahiram ni Trina si Mithi sa ama nito at pumayag pang makasama ang wife ni Carlo, ibig sabihin, maganda ang usapan ng ex-couple. Para na rin siguro sa kanilang anak, para hindi malito at maaga pa lang, ipinakilala na ang bata sa asawa ng ama niya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page