top of page
RUN WILD - VICE AT MVP, NAGSANIB-PUWERSA PARA MAKA-SURVIVE ANG TV INDUSTRY-IG _praybeytben

OMB. Boying, kumusta ang lifestyle check sa Customs?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 15, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez



LABAG NA SA BATAS ANG PORK BARREL PERO MGA SEN. AT CONG., PATULOY SA PAGTANGGAP NG ALA-'PORK BARREL' NA 'LEADERSHIP FUND' – Inihalintulad ni Sen. Ping Lacson ang “Leadership Fund” ng Senado sa pork barrel na idineklarang unconstitutional ng Supreme Court (SC).


Unconstitutional din pala ang mala-pork barrel na “Leadership Fund,” pero bakit tumatanggap pa rin ng ganito ang mga senador na namumuno sa mga komite?

Pagpapatunay ’yan na ’yung mga mambabatas na gumagawa ng batas ay sila rin mismo ang lumalabag sa batas. Idineklara na ng SC na unconstitutional ang pork barrel, pero tumatanggap pa rin sila ng mala-pork barrel na “Leadership Fund.” Tsk!


XXX


MGA SEN. AT CONG. NA SANGKOT SA FLOOD CONTROL SCANDAL SARAP-TULOG, HABANG NILULUBOG NG BAHA ANG MAMAMAYAN – Habang nilulubog ng baha ang mamamayan, ang sarap naman ng tulog ng mga senador at kongresistang sangkot sa flood control scandal.


Kung talagang may awa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) sa mga kababayang nabiktima ng baha, dapat atasan niya si Ombudsman Boying Remulla na apurahin ang pagsasampa ng kaso laban sa mga senador at kongresistang sangkot sa flood control scandal.


Kung kinakailangan, dapat araw-araw ay may makulong na mga kurakot na senador at kongresista para magkaroon na ng kasama sa city jail ang incumbent Sen. Jinggoy Estrada, na nakasuhan at nakulong na dahil sa kickback sa flood control projects scam. Period!


XXX


SMUGGLED PRODUCTS, DAPAT SURIING MABUTI NG CUSTOMS KASI BAKA MAY PALAMANG SHABU – Araw-araw ay may mga drug pusher na nahuhuli ang kapulisan sa iba't ibang panig ng bansa.


Ang mga illegal drugs, partikular ang shabu, ay nagmumula sa ibang bansa. Kung sinusuri lamang ng mga taga-Customs ang lahat ng mga kargamentong pumapasok sa Pilipinas, malaki ang posibilidad na sa Adwana pa lamang ay masasabat na nila ang mga droga at hindi na ito maikakalat pa sa buong bansa.


Ang nais nating ipunto rito ay dapat suriing mabuti ng mga taga-Customs ang mga smuggled products na ipinapasok sa Pinas ng mga tanyag na smugglers na kilala sa mga alyas na "Gerry T," "Leah C," "Kimberly Gang," "Big Mama," "Tina U," "J. Diamante," "Paul T," "Manuel T," at "Andrew C," kasi baka ang mga kargamentong ipinupuslit ng mga ito papasok sa Pilipinas ay may palamang shabu. Boom!


XXX


PABIDA LANG YATA NI OMBUDSMAN BOYING REMULLA ANG INANUNSYO NIYANG 'LIFESTYLE CHECK' SA MGA TAGA-CUSTOMS – Last month, ibinida ni Ombudsman Boying Remulla na magsasagawa siya ng lifestyle check sa mga taga-Customs upang malaman kung sinu-sino rito ang mga corrupt. Pero ngayong Agosto 2026, hindi pa rin niya ito ipinatutupad.


Tila yata pabida lamang ito sa publiko ni Ombudsman Remulla, dahil hanggang ngayon ay wala pa siyang isinasagawang lifestyle check sa mga taga-Customs. Period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page