top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Olympics silver medalist, nagreklamo dahil sa mga napakong premyo... ONYOK, BIGLANG INULAN NG TULONG

  • BULGAR
  • Aug 16, 2021
  • 1 min read

MAY P600K NA, BINIGYAN PA NG NEGOSYO


ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 16, 2021



Matapos maisapubliko ang mga hinaing ng silver medalist boxer ng Atlanta Olympics noong 1996 na si Onyok Velasco, bumuhos ang tulong sa kanya ng business sector.


Bukod sa 500 thousand pesos na ipagkakaloob sa kanya ng Malacañang, si Onyok ay binigyan din ng Chooks-to-Go ng isang outlet/store na kanyang magiging negosyo. May kalakip din itong 100 thousand cash.


Ipinatawag si Onyok sa main office ng Chooks-to-Go at hindi niya inaasahan ang pabuya/ayuda na ibibigay sa kanya ni Mr. Ronald Mascariñas na may-ari nito.



Ganu'n na lamang ang pasasalamat ni Onyok sa Chooks-to-Go dahil kailangan niya ng pagkakakitaan ngayong pandemya.


Ayon pa sa 1996 Olympics silver medalist, ang ilan sa mga naipangako sa kanya noong manalo siya ay ang scholarship ng dalawa niyang anak na hindi natupad at may lifetime pension siya na 10,000 a month pero isang taon lang siyang nakatanggap ng monthly pension, tapos ay natigil na kaya napilitan siyang pumasok sa showbiz upang maitaguyod ang kanyang pamilya.


May iba pang mga athletes na natulungan din ng Chooks-to-Go tulad ni Benjie Paras nang manalo ng silver sa 1990 Asean Games.


Si Kiefer Ravena, nanalo rin ng gold medal sa Southeast Asian Games kaya nabigyan din ng Chooks-to-Go ng outlet at cash incentives.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page