Olympic golden girl Diaz, bomalabs na sa WWC
- BULGAR
- Nov 10, 2021
- 1 min read
ni VA - @Sports | November 10, 2021

Hindi na lalahok si Tokyo Olympic gold medalist Hidilyn Diaz sa World Weightlifting Championships na gaganapin sa Tashkent, Uzbekistan sa darating na Disyembre 7-17.
Ayon kay Diaz, hindi nya kakayanin na umabot sa tinatawag na "peak form" sa loob ng limang linggo makaraang dumating sa kanilang training center sa Malacca, Malaysia noong nakaraang weekend. “I know a lot of Olympians aren’t joining,”ani Diaz sa panayam sa kanya sa PlayItRightTV na matutunghayan sa darating na Linggo sa YouTube at Facebook. “I prefer to compete against the best. I’ve been training only three or four times a week lately. I don’t think I’ll be able to sustain my performance in Tokyo. I’m told many of the Olympians are still recovering and enjoying their rest after training for so long,” dagdag nito. Sa ngayon, prayoridad ni Diaz ay ang tapusin ang kanyang thesis para sa kanyang Business Administration degree sa College of St. Benilde. Sa kasalukuyan, hindi pa rin niya pinag-iisipan kung saan maninirahan sa mga bahay na ibinigay sa kanya bilang insentibo sa pagkapanalo nya sa nakaraang Tokyo Games.
Wala pa rin aniya siyang plano kung muli siyang sasabak sa 2024 Paris Olympics na magiging ikalima na niyang Olympic stint. Sa ngayon, magsisimula si Diaz at ang kanyang team sa pangunguna ng kanyang coach at nobyong si Julius Naranjo ng training sa Malacca hanggang bago mag-Pasko.
Nakatakda silang bumalik ng bansa upang dito magdiwang ng Pasko bago bumalik sa Malacca sa Marso para makapaghanda para sa SEA Games.





Comments