top of page
Search
  • BULGAR

Olympic gold medalist Diaz, pa-Malaysia para mag-train

ni VA - @Sports | October 13, 2021




Aalis sa Sabado patungong Malaysia ang grupo ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz para muling magsanay doon.


Sa pagkakataong ito, paghahandaan ni Diaz ang target na world championships gold medal na sya na lamang kulang sa kanyang koleksiyon. Ayon sa nobyo ni Diaz na siya ring tumatayong strength at conditioning coach na si Julius Naranjo, mas mainam na magsanay sa Malaysia kumpara sa Manila dahil makakapag-focus sila roon ng husto sa training at workout.


Sa Malacca, Malaysia nag-bubble training si Diaz kasama ang Team HD (Team Hidilyn Diaz) mula noong Pebrero 2020 hanggang Hulyo (2021)bago magtungo sa Tokyo at sumabak sa Olympics.

Ang world championships ay nakatakdang ganapin sa Disyembre 7 -17 sa Tashkent, Uzbekistan. Aminado naman si Naranjo na kailangan nilahg magsagawa hg kaunting adjustment ngayong siya na rin ang magiging head coach ni Diaz kapalit ng Chinese coach na si Kaiwen Gao na umuwi na sa Beijing. “It’s never easy transition to head coach. But I feel the pandemic has given me the opportunity to really take lead,” ani Naranjo. “I put in a lot of work during the pandemic to really work on Hidilyn’s program and do all the necessary work a head coach normally does.”

Kabilang din sa kanilang programa ang Hanoi 31st SEA Games at Hangzhou 19th Asian Games sa 2022. Kasama rin nilang magtutungo sa Malaysia sina Jeaneth Aro ang kanilang sports nutritionist at Karen Katrina Trinidad, ang sports psychologist.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page