Oliveira, Itinumba si Poireir
- BULGAR
- Dec 13, 2021
- 1 min read
ni MC - @Sports | December 13, 2021

Matagumpay na nadepensahan ni UFC lightweight world champion Charles Oliveira ang kanyang hawak na titulo matapos talunin via third-round submission si Dustin Poirier sa main event ng UFC 269 kahapon sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, USA.
Pukpukang laban ang naganap sa pagitan ng dalawang fighter mula sa simula kung saan nagpatama si Poirier ng left straight habang si Oliveira ay kumana ng knew strike sa katawan.
Binilisan ni Oliveira ang laban pero tinamaan nito ng right hook na nagpabagsak sa kanya.
Muling pinuwersa ni Oliveira si Poirier at inipit ito sa gilid ng cage sa simula ng round two.
Nagbakbakan ang dalawa na nauwi sa ground fight kung saan inipit ng Brazilian ang US fighter na pinatamaan ng elbows. Sa sumunod na round, muling pinairal ni Oliveira ang ground fight at hindi na nito binitiwan si Poirier hanggang makasilip ito ng pagkakataon na maikasa ang isang standing rear-naked choke dahilan para mag-tap ang Kano sa tiyempong 1:02 sa round three.
Dahil sa panalo, nag-imprub ang record ni Brazilian sa 32-8 habang si Poirier ay lumagapak sa 28-7.





Comments