top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Oks lang mangisda nang walang permit kung paglilibang lang

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 16, 2021
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | March 16, 2021



Dear Chief Acosta,

Kaming magkakaibigan ay nagpaplanong mangisda sa malapit na ilog sa aming barangay. Kailangan pa ba naming kumuha ng lisensiya o permit mula sa lokal na pamahalaan ng lugar kung kami ay mangingisda rito? – Rap


Dear Rap,

Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Section 86 ng Republic Act No. 8550, o mas kilala sa tawag naThe Philippine Fisheries Code of 1998na naamyendahan ng Republic Act No. 10654 kung saan nakasaad na;


Section 86. Unauthorized Fishing. – (a) It shall be unlawful for any person to capture or gather or to cause the capture or gathering of fish, fry or fingerlings of any fishery species or fishery products without license or permit from the Department or LGU.


x x x


The discovery of any person in possession of a fishing gear or operating a fishing vessel in a fishing area where he has no license or permit shall constitute & (sic.) prima facie presumption that the person is engaged in unauthorized fishing: Provided, that fishing for daily food sustenance or for leisure which is not for commercial, occupation or livelihood purposes may be allowed. (Binigyang-diin).


Ayon sa nabanggit, ipinagbabawal ang pangingisda nang walang lisensiya o permit mula sa Department of Agriculture (DA), o lokal na gobyerno. Subalit, pinapayagan ang pangingisda nang walang lisensiya o permit kung ang dahilan nito ay para lamang sa pantustos sa pang-araw-araw na pagkain o para lamang sa paglilibang.


Kaugnay nito, kung ang inyong layunin sa pangingisda ay para lamang tustusan ang inyong pang-araw-araw na kakainin o upang kayo ay maglibang, hindi na ninyo kakailanganing kumuha pa ng lisensiya o permit.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page