top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Oks kay PBBM — Castro... Facebook, iba-ban

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 16 minutes ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | August 26, 2026



Claire Castro

Photo: PCO



Bukas ang Malacañang hinggil sa pag-aaral ng panukalang ipagbawal ang Facebook o Meta sa Pilipinas kung mapatutunayang bigo itong pigilan ang paglaganap ng karahasan at fake news.


Ito ang tugon ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro matapos tanungin tungkol sa mungkahi ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) kasunod ng madugong insidente sa Ateneo de Zamboanga.


“Kung hindi magkakaroon ng accountability ang anumang social media platform at parang nababalewala ang ating mga hiling para maproteksiyunan ang ating mga kababayan laban sa karahasan, laban sa fake news, kung mabagal ang pagtugon, ay magandang pag-isipan at pag-aralan kung dapat silang manatili na parte ng ating sistema,” ani Castro sa Palace briefing.


Nilinaw ng opisyal na hindi target ng gobyerno ang malayang pagpapahayag ng opinyon o pagiging kritiko ng administrasyon.


“Iba naman po kasi iyong fake news; iba naman po kasi iyong ikaw ay naglalahad lamang ng inyong opinion, kritiko ka, hindi po iyan pinagbabawalan. Wala pong pinagbabawalang kritiko lalung-lalo na sa panahon ngayon ni Pangulong Marcos Jr.,” aniya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page