45-km CALAX, malapit nang makumpleto

ni Gina Plenago @News | October 11, 2026

Photo: CALAX / FB
Malapit nang makumpleto ng MPCALA Holdings, Inc. ang 45-kilometrong Cavite-Laguna Expressway (CALAX), na mag-uugnay sa Cavite at Laguna.
Patuloy ang konstruksyon sa natitirang 18.5 kilometrong Subsections 1 at 2, kabilang ang mga kalsada, tulay, drainage system at interchange ramps.
Sa kasalukuyan, bukas na ang CALAX mula Mamplasan, Biñan hanggang Governors Drive, General Trias.
Kapag natapos, aabot ito mula Open Canal hanggang Kawit at kokonekta sa CAVITEX, na magpapabilis sa biyahe at transportasyon ng mga produkto patungong Metro Manila.





Comments