top of page
Sarah Lahbati - IG.jpg

2 estudyanteng babae, natusta sa boarding house

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | October 11, 2026



2 estudyante na trap sa boarding house - RP - FB

Photo: Circulated



Nasawi ang dalawang babaeng estudyante makaraang ma-trap sa nasusunog nilang boarding house sa isang residential compound sa Brgy.Nazareth, Cagayan de Oro City.


Nabatid na ang sunog ay naganap nitong umaga ng Biyernes, Oktubre 9 na tumagal ng ikatlong alarma.


Batay sa inisyal na ulat, isa sa mga nasawi ay anak mismo ng may-ari ng boarding house.


Una umanong tinawagan ng may-ari ang kanyang anak na nasa loob ng nasusunog na gusali subalit hindi na ito sumasagot sa cellphone nito.


Alas-11 ng umaga nang mailabas ang mga sunog na labi ng mga biktima.

Hindi pa tukoy ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog na patuloy na iniimbestigahan pa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page