OGIE AT REGINE, NAGPABAKUNA NA KONTRA-COVID!
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 19, 2021

Nakapagpabakuna na rin laban sa COVID-19 ang mag-asawang Ogie Alcasid and Regine Velasquez.
Nag-post si Ogie sa kanyang Instagram account ng larawan nila ni Regine habang tinuturukan at bago pa man sila intrigahin ay may pauna na siyang paliwanag na may comorbidity (medical condition) silang mag-asawa kaya nakapagpabakuna na sila.
As we all know, kabilang sa list of priorities for vaccine ang mga taong may comorbidities.
“Kaming mag-asawa ay may comorbidity kaya nakakuha po kami sa QC ng slot at kami ay nagpabakuna na. Sa mga taga-QC, i-download po natin ang EZ consult app para makapagparehistro na po tayo at antayin natin ang abiso sa email natin. Ty QC gov’t. God bless us all,” caption ni Ogie.





Comments