top of page
BIDA - ALEX EALA, MAY MGA BASHERS NA FOREIGNER-IG _alex.eala.jpg

OFW, exempted sa travel tax

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 2 min read

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 4, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta


Nagbabalak akong maging OFW. Dahil dito ay nag-ayos ako ng aking mga papeles at nakakuha ako ng kontrata para maging skilled worker sa Australia. Naayos ko na rin ang lahat ng aking papeles para sa pag-alis ko, ngunit nabalitaan ko na may binabayaran palang “travel tax” sa paliparan ng Pilipinas. Dapat din ba akong magbayad ng nasabing tax? — Chess





Dear Chess,


Bago natin sagutin ang iyong katanungan, alamin muna natin kung ano ang travel tax. Ayon sa Presidential Decree No. 1183 (as amended), ang travel tax ay ang buwis na ipinapataw ng batas sa mga indibidwal na palabas ng ating bansa, kasama ang mga banyaga na permanente ng nakatira sa Pilipinas, at ang mga banyaga na nanatili sa Pilipinas ng mahigit isang taon, maliban kung kasama sa mga eksempsyon na ibinibigay ng batas. 


Ayon sa Section 73 ng Republic Act (R.A.) No. 9593, ang nakolektang travel tax ay nakalaan at ibibigay sa mga sumusunod: a. 50% ay mapupunta sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) b. 40% ay magiging kontribusyon sa Higher Education Development Fund; at c. 10% ay mapupunta sa National Commission for Culture and the Arts (NCAA). 


Ngayon, alamin natin kung ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ba ay minamandato rin at inoobliga ng batas na magbayad ng travel tax tuwing lalabas ng bansa at pupunta sa bansa para magtrabaho? 


Ayon sa Section 35 ng Republic Act (R.A.) No. 8042 (as amended), ang mga OFWs ay exempted sa mandato ng batas na magbayad ng travel tax sa tuwing lalabas ng bansa. Narito ang pahayag ng batas: 


Section 35. Exemption from Travel Tax, Documentary Stamp and Airport Fee. - All laws to the contrary notwithstanding, the migrant worker shall be exempt from the payment of travel tax and airport fee upon proper showing of proof of entitlement by the POEA.”   


Kaya maliwanag na ang ating mga OFWs ay hindi kasama sa mga dapat magbayad ng travel tax. Ito ay bilang pagkilala sa kanilang mahalagang kontribusyon sa ekonomiya ng ating bansa. 


Kaya sa iyong sitwasyon, kung ikaw ay aalis bilang OFW, hindi ka maaaring obligahin na magbayad ng travel tax para sa iyong flight palabas ng bansa. 


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page