top of page
Willie Revillame - FB.jpg

Wanted sa fans… WILLIE, ‘DI UMUBRANG SENADOR, MAYOR NAMAN DAW SA 2028

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 19, 2026



Wanted sa fans… WILLIE, ‘DI UMUBRANG SENADOR, MAYOR NAMAN DAW SA 2028

Photo: Willie Revillame / File



Bagama’t walang paramdam ngayon si Willie Revillame, marami pa rin ang interesadong malaman ang kanyang mga pinagkakaabalahan.


May ugung-ugong kasing malaki ang posibilidad na muling magbabalik sa ere ang programa niyang Wowowin, at mapapanood sa isang malaking network.


May ilang bagay pa raw na iaayos sa production bago ito kumpirmahin.

At ayon sa ilang malalapit na kaibigan, gustung-gusto ni Revillame na maibalik ang dati niyang game show. Sabik na siyang muling pumagitna sa stage at pasayahin ang kanyang mga loyal viewers.


Ayon naman sa isang card reader, sa susunod daw na election (2028) ay muling kakandidato si Willie, pero sa isang local na posisyon lamang.


Hindi na siya tatakbong senador, maaaring mayor o vice-mayor ng isang bayan o lungsod.


Well, ito ang bagong aabangan ng sambayanan ngayon kay Revillame. Marami siyang fans and supporters na umaasa at nagdarasal na muli siyang makabalik sa telebisyon.

Sa panahon ngayon, kailangan pa rin natin ang mga taong handang tumulong sa mga nangangailangan.





ABALANG-ABALA ngayon si Glaiza de Castro sa pagpo-promote ng pelikulang 58th na produced ng GMA Pictures.


Sa October ay bibiyahe na siya papuntang Dublin, Ireland, kung saan naroroon ang kanyang hubby na si David Rainey. Doon na rin siguro isisilang ng aktres ang kanilang first baby. 


Well, sobrang excited na raw si David na magkaroon ng anak. Nakahanda na ang nursery room sa kanilang bahay.


Masayang-masaya rin ang malalapit na kaibigan ni Glaiza ngayong malapit na siyang maging mommy.


Pangarap ng sinumang babae ang maging isang ganap na ina, at ibinigay sa aktres ang kanyang kahilingan sa tamang panahon at lalaking magiging responsableng ama.


Successful na si Glaiza sa kanyang career, kaya deserve na rin niya ang magkaroon ng masayang pamilya.





LABIS na ikinatuwa at isang malaking karangalan para sa comedian na si Michael V. ang mapili na pansamantalang pumalit kay Dingdong Dantes bilang host ng top-rated game show na Family Feud (FF).


Sanay namang mag-host ng game show si Bitoy dahil naging bahagi siya noon ng game show na Ready, Get Set, Go! na ipinalabas noong 1990 sa ABS-CBN. After six years ay nawala na ang show. 


Nag-host din si Bitoy ng Battle of the Brains. Nagkasama rin sila ni Ogie Alcasid bilang hosts ng Hole in the Wall.


Taong 1995 nang nag-umpisa si Michael V. sa GMA-7. Naging bahagi siya ng longest-running gag show na Bubble Gang (BG). Fifteen years din siyang naging bahagi ng sitcom na Pepito Manaloto (PM).


Well, flattered si Michael V. na siya ang napiling pumalit muna kay Dingdong sa FF. Kampante naman si DD na si Bitoy ang pumalit sa kanya. May sariling diskarte ito sa pagho-host upang maaliw ang mga viewers.


At sa kanyang unang pagsabak, ang cast ng PM ang naglaro bilang mga contestants, ang Team Bahay vs. Team Office.


Napakasaya ng nasabing episode ng FF.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page