top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

October pa engaged, itinago lang… KASALANG LUIS-JESSY, SA JUNE 2021!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 14, 2020
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | December 14, 2020




Unang linggo ng Oktubre ngayong taon pa pala ginanap ang marriage proposal ni Luis Manzano kay Jessy Mendiola pero nitong Sabado (Disyembre 12, 2020) lang nila ito inanunsiyo sa kani-kanilang Instagram account.


At kaya nasa Amanpulo resort ang soon-to-be Mr. and Mrs. Luis Manzano ay dahil doon kinunan ang kanilang pre-nup shoot.


Tinanong namin kung bakit 12-12-20 ang napili nilang petsa para ianunsiyo na engaged na sila.


“Gusto lang nila ‘yung number,” tipid na sagot sa amin ng kaibigan nina Luis at Jessy.


At sa unang pagkakataon ay nagkuwento sina Luis at Jessy kay MJ Felipe thru Zoom na inilabas sa TV Patrol nitong Sabado at nabanggit nga na unang linggo ng Oktubre ginanap ang proposal.


“Everyone is congratulating us, kahit ‘yung mga hindi namin kilala, naiiyak sila kasi nakita nila ang journey ng relationship namin ever since from the beginning. Pero alam mo, nakakatuwa rin na naitago namin for a long time, parang we had this small bubble na 'Meron tayong secret,'” simula ni Jessy.


Dagdag ni Luis, “Ang sarap din kasi na it was between us lang, pero ang sarap din na the whole world is happy for us, so it’s a mix of feelings.”


Bago nangyari ang proposal ay may pangarap na engagement ring ang aktres, pati disenyo at hugis ng bato, at kung gaano kalaki na nabanggit niya noon sa fiancé at hindi niya inaasahan na ito ang isusuot ng TV host sa daliri niya. Inamin ni Jessy na ang proposal ang hindi niya malilimutan habang buhay siya.


Masayang kuwento ni Jessy, “The moment na luluhod na siya, tapos titingnan ka na niya sa mata, tapos, sasabihin niya ‘yung mga bagay na ipinapangako niya sa ‘yo and when he finally asks you that question na, ‘Will you marry me?’ hindi ka na makakasalita. I was so shocked. Finally, ‘pag nasuot mo na ‘yung ring, eto na pala ‘yun, he’s really the one na. Lahat ng pinagdaanan namin, both smiles and cries, led to this moment!”


Pressure rin kay Jessy ang mga nagtatanong kung kailan ang kasal dahil nga marrying age na si Luis.


“Matanda na siya (Manzano) at marrying age na. He respected my timeline also, when we got together kasi, hindi ko naman sinasabi na matanda na siya (laughs), medyo malaki ‘yung age gap namin, pero we work well kasi, kaya sinasabi ng ibang tao na marrying age na siya,” pahayag ng dalaga.


Sa 2021 ang plano nina Luis at Jessy na magpakasal.


“We are looking at next year, mid next year. Ang dami naming mga kaibigan na nagkaroon ng long engagement, some of our friends are telling us na 'Best advice that we could give you is 'wag na kayo mag-long engagement. If you can plan it shorter, do it,'” say ni Jessy.


Umaasa ang dalawa na sana, matapos na ang Covid-19 pandemic para ligtas ang lahat ng dadalo sa kasal nila at kumpleto ang buong pamilya.


At base sa panayam ay hindi pa binanggit kung saan ito gaganapin dahil ang huling sabi ni MJ, ‘destination wedding’ na ibig sabihin ay hindi sa Metro Manila gaganapin ang kasal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page