Obyus sa laki ng tiyan… BEAUTY, TINANONG NG NETIZEN KUNG BUNTIS, NAGSUNGIT!
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 22, 2021

May post si Beauty Gonzales na larawan nila ng anak na magkayakap. Isang netizen ang nakapuna sa tummy ng actress at sa temang Bisaya, tinanong niya si Beauty, “Bitaw dae, Beauty, mura bitaw kag preggy diri. Sa sanina ra siguru.”
Sagot ni Beauty, “I agree, mukha nga!!! Hehe. But I still wanted to post it 'coz Olivia looks so cute.”
Isa ring netizen ang nagtanong, “Is she pregnant?”
Ang sagot ng aktres, “Do pigs fly backwards over China?”
Sumagot naman ang netizen, “You look amazing as always. Didn’t mean to imply anything. I am a huge fan.”
Pero sabi ng isang commenter, “I don't think so. Mukha ngang may period siya, kasungit ni dzaiii.”
“She must be. She didn’t answer yes or no, just some nonsense ek-ek.”
Oo nga naman. Bakit hindi na lang sinagot ni Beauty nang direkta ang nagtanong kung preggy siya? May problema ba, Beauty?





Comments