top of page
Search
  • BULGAR

Obyus sa inilaki ng katawan… KC, BUNTIS DAW, KAMBAL PA

ni Julie Bonifacio @Winner | April 13, 2024




Nagtugma-tugma ang mga senyales sa nasagap ng mga netizens na buntis si KC Concepcion batay sa nakikita nila sa social media posts ng anak nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.


Unang napag-isipan ng mga Marites sa socmed ang matalinghagang caption ni KC sa kanyang Instagram post.


Caption ni KC: “Live life in full bloom! All the flowers of all tomorrows start with the seeds of today...”


Pagkatapos ay lumutang sa socmed ang video ng birthday celebration ni KC with her cousins kung saan makikita ang hubog ng katawan niya.


Malalaki ang braso, malusog na mukha at katawan, pati ang kanyang leeg ay pansin na pansin din ng mga netizens na halos dumoble na.


Sa caption ni KC ay binigyang-kahulugan ng mga Marites sa socmed ang sinabi niyang “…start with the seeds of today.”


‘Lam na 'pag sinabing “seed”, inisip agad ng mga netizens that it has something to do with the “seed” na naipunla sa sinapupunan ni KC. 


Sa simpleng salita, may baby daw sa tummy ni KC. And knows na ang tatay ng ipinagbubuntis diumano ni KC ay ang kanyang Swiss-Fil boyfriend na si Michael “Mike” Wuethrich.


Ang kalurky pa, not just one baby daw ang ipinagbubuntis ni KC kundi twins. Kasi nga raw, may “s” ang “seed” na nakalagay sa caption ni KC.  


Sa true lang, kung true na buntis si KC, we should be happy for her. Every child is a blessing, tapos, dalawa pa.


Pero ang medyo hurting lang siguro pagdating sa mga magulang ay 'yung malamang buntis ang anak without the sacrament of marriage. 


Sa kaso ni KC, knows naman natin kung gaano ka-conservative ang family ni Sharon.


Inalagaan siya nang mabuti, binigyan ng magandang pangalan, pinag-aral sa pinakamagandang eskuwelahan, etc., etc.. But at the end of the day, mananaig ang pagiging isang ina sa kanyang anak.


Sa side naman ni Gabby, dalawa na sa mga anak niya ang nagkaroon ng baby out of wedlock, ha?  If true talaga ang tsikang buntis si KC.  


Ang isa pang anak na tinutukoy namin ay si Garie Concepcion na anak ni Gabby kay Grace Ibuna. Bagaman ang tatay ng baby ni Garie na si Michael Pangilinan ay legit na legit naman na single.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page