top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Obyus na super in love… KATHRYN, TAGAPILI NG POLO PARA KAY MAYOR MARK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 4
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | July 4, 2026



BIDA - KATHRYN, TAGAPILI NG POLO PARA KAY MAYOR MARK-FB Circulated

Photo: Circulated



Spotted na uli si Kathryn Bernardo at ang boyfriend nitong si Lucena City Mayor Mark Alcala sa isang clothing store. 


Sa lumabas na larawan, ang aktres ang nagtse-check ng naka-display na polo at nasa tabi niya ang BF.


Comment ng mga netizens, parang nasa men’s section ang dalawa at kung si Kathryn ang nagtse-check ng mga polo, baka sa kanya raw ipinamahala ni Mark ang pagpili ng bibilhing polo. Kaya lang, sa taas ng rack, blouse ang naka-display. Ibig kayang sabihin, polo for Mark at blouse for her ang itsine-check ni Kathryn?


Matagal ding hindi nakitang magkasama sina Kathryn at Mark, siguro dahil busy ang aktres sa taping ng Someone, Someday (SS). Pero, kita n’yo naman, nang magkaroon ng free time, nag-date ang magdyowa.


Kapansin-pansin na kumonti ang mga fans ni Kathryn na hindi pabor sa boyfriend niya ngayon. Nag-iba na ang tono ng karamihan sa kanila. Tanggap na nila ang BF ni Kathryn at katwiran nila, kung saan masaya ang aktres, susuportahan nila. 


Dapat lang namang tanggapin nila dahil si Mark ang mahal ni Kathryn at nagpapasaya sa kanya. Blooming daw ang aktres ngayon at ibig sabihin, masaya ang buhay niya.





ANY day now, mapapanood na si Jennylyn Mercado sa The Master Cutter (TMC) dahil magge-guest siya sa action series ni Dingdong Dantes. Nag-taping na ang aktres sa role ng isang bungangerang babae na may struggle sa buhay.


Nang ma-interview sa 24-Oras, wala pang nakunang eksena sina Jennylyn at Dingdong pero sabi nito, “Excited na ako to work with Dingdong again. Six years ago pa kami nagkatrabaho, kaya looking forward ako na makatrabaho uli s’ya.”


Sa Philippine adaptation ng K-drama na Descendants of the Sun (DOTS) pa huling nagkatrabaho sina Jennylyn at Dingdong at hindi na muling nagkasama. Ngayon lang uli, kaya siguradong pati ang aktor ay excited.


Pinuri naman ni Jen ang child actress na si Sienna Stevens, gumaganap bilang Ibyang sa action series. 


“Sobrang galing n’ya, wala akong masabi. Dalang-dala ako sa kanya. Niyayakap ko s’ya pagkatapos ng eksena n’ya dahil magaling,” sabi nito.


Sa kuwentong ito ni Jennylyn, lumalabas na may mga eksena sila ni Sienna, kaya abangan natin. Maganda rin ang twist ng karakter ng batang aktres. Hintayin natin na madiskubre ‘yun.





INI-REPOST ni Bela Padilla ang post ng isang estudyante na nagpa-fundraising para sa kanyang pag-aaral. Nanawagan ang estudyante na si Jhomar Luna na matulungan siya na mabayaran ang balance ng tuition fee niya para makapag-enroll.


Kabilang si Bela sa mga tumugon sa Piso Para sa Tuition Fee na panawagan ni Jhomar at sabi nito, “Guys, tayo-tayo na ‘to.”


Nagpasalamat kay Bela ang estudyante dahil sa pagre-repost nito, mas marami ang na-inform sa fundraising. May isang basher lang na nag-comment ng “Girl, you think this is funny?” 


Sinagot siya ni Bela ng “U ok (are you okay)?”


Aabot sa P24,112.87 ang kailangang i-raise ni Jhomar at may mga nauna nang nagpadala ng tulong. Siguradong mabilis na maiipon ang nasabing amount dahil, for sure, hindi lang piso ang ibibigay na tulong ng aktres.


In fairness kay Bela, this is not the first time na tumulong siya sa mga nanghihingi ng tulong sa kanya. Kaya naman tuluy-tuloy ang dating ng projects sa kanya. Isa na rito ang movie nila ni Maricel Soriano na Life After You. Tapos, masaya pa ang love life ng aktres, halos kumpleto na nga ang buhay nito.





LQ lang, ‘di pa hiwalay…

JOHN LLOYD AT ISABEL, OKS NA ULI



INI-LIKE nina Bea Alonzo at Ellen Adarna ang post ni John Lloyd Cruz (JLC) ng photo ng GF na si Isabel Santos. Ilang kaibigan din at fans ng aktor ang nag-like ng post niya ng larawan ng nobya kahit nakatalikod at buhok lang at bitbit na payong ang malinaw na nakikita.


Comment ng mga netizens, baka nagkatampuhan lang ang dalawa nang mag-post si Isabel ng cryptic post na nagpahiwatig na break na sila ni JLC. May naniwala namang baka dumaan lang sa birthday blues si Isabel.


Ang unsolicited advice ng mga fans ni JLC, magpakasal na sila ni Isabel at simulan na nilang bumuo ng pamilya. Huwag na raw nilang bigyan ng problema ang mga fans na baka maghiwalay pa sila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page