Obyus daw sa maumbok na tiyan… ANGELINE, PINAGPIPIYESTAHANG BUNTIS
ni Julie Bonifacio - @Winner | December 06, 2021

Buntis nga ba ang singer na si Angeline Quinto?
Ito ang latest na pinagpipiyestahan ng mga netizens sa socmed.
May picture kasi si Angeline na kumalat sa socmed kung saan napansin ng mga Marites ang maumbok nitong tiyan.
Tuloy, mabilis na pinagdudahang buntis ang Kapamilya singer.
Hindi kasi lingid sa kaalaman ng lahat na may non-showbiz boyfriend na si Angeline. Ang naturang BF niya ay naipakilala at nakasama rin ng kanyang yumaong ina na si Mama Bob.
Pero may tsika rin na ‘di true ang tsismis at ginagamit lang para sa promo ng concert ni Angeline on Dec. 25, 26 and 27 via streaming.
Sabeee?





Comments