Obligasyon ng asawa sa partner at mga anak nito
- BULGAR

- Feb 17, 2021
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | February 17, 2021
Dear Chief Acosta,
Iniwan ako ng aking asawa matapos ang anim na taon naming pagsasama dahil hindi kami magkaanak. Nais ko lamang malaman kung may karapatan ba akong humingi ng suporta mula sa kanya sa kadahilanang malaki ang sahod niya buwan-buwan sa kumpanyang kanyang pinagtatrabahuan. – Dessa
Dear Dessa,
Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Article 199 ng Executive Order No. 209, o mas kilala sa tawag na Family Code of the Philippines:
“Art. 199. Whenever two or more persons are obliged to give support, the liability shall devolve upon the following persons in the order herein provided:
1. The spouses;
2. Legitimate ascendants and descendants;
3. Parents and their legitimate children and the legitimate and illegitimate children of the latter;
4. Parents and their illegitimate children and the legitimate
and illegitimate children of the latter; and
5. Legitimate brothers and sisters, whether of full or half-blood” (Binigyang-diin).Malinaw sa nasabing probisyon ng batas na ang mag-asawa ay mayroong obligasyong suportahan ang isa’t isa. Gayundin, ayon sa Article 91 ng Family Code, ang “absolute community of property” ng mag-asawa ay binubuo ng lahat ng kanilang mga pag-aari noong sila ay ikinasal at nakuha o naipundar pagkatapos ng kasal. Ayon sa Article 94 ng Family Code, ang absolute community of property ang mayroong obligasyon para sa suporta ng mag-asawa at kanilang mga lehitimong anak. Nakasaad sa nasabing probisyon ang sumusunod:
“Art. 94. The absolute community of property shall be liable for:
(1) The support of the spouses, their common children, and legitimate children of either spouse; however, the support of illegitimate children shall be governed by the provisions of this Code on Support.”Samakatwid, kayo ay may karapatang humingi ng suporta mula sa inyong asawa dahil ang kanyang sahod ay kabilang sa inyong absolute community of property.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.




Comments