Obligadong suportahan ng magulang ang pag-aaral ng anak, menor-de-edad man o hindi
- BULGAR

- Feb 18, 2021
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | February 18, 2021
Dear Chief Acosta,
Ako ay 19 years old na pero wala pa akong trabaho dahil nag-aaral pa lamang ako sa college. Gusto ko sanang humingi ng sustento sa aking nanay para sa aking pag-aaral sapagkat hindi ko pa ito kayang bayaran. Gayunman, ang sabi ng isa sa aking mga pinsan ay hindi na diumano obligadong magbigay ang aking ina sapagkat hindi na ako menor-de-edad. Ganun ba talaga ‘yun? – Niña
Dear Niña,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong suliranin ay tinatalakay sa Executive Order No. 209, o mas kilala bilang The Family Code of the Philippines. Nabanggit sa Article 194 at 195 ng nasabing batas na:
“Art. 194. Support comprises everything indispensable for sustenance, dwelling, clothing, medical attendance, education and transportation, in keeping with the financial capacity of the family.
The education of the person entitled to be supported referred to in the preceding paragraph shall include his schooling or training for some profession, trade or vocation, even beyond the age of majority. Transportation shall include expenses in going to and from school, or to and from place of work. (290a)
Art. 195. Subject to the provisions of the succeeding articles, the following are obliged to support each other to the whole extent set forth in the preceding article xxx
(3) Parents and their legitimate children and the legitimate and illegitimate children of the latter;
(4) Parents and their illegitimate children and the legitimate and illegitimate children of the latter; and xxx.” (Binigyang-diin)Malinaw na nabanggit sa probisyon ng batas na obligado ang magulang na suportahan ang pag-aaral ng kanyang anak, legitimate man o illegitimate, kahit pa hindi na ito menor-de-edad.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments