Obiena, naka-silver ulit sa Diamond League Final
- BULGAR
- Sep 19, 2023
- 1 min read
ni VA @Sports | September 19, 2023

Tumapos na pangalawa ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena pagkaraang matalon ang baras na itinaas sa 5.82 meters kahapon (Lunes-Manila time)sa Eugene Diamond League Final sa Hayward Field sa Eugene, Oregon.
Nakadalawang attempts ang 27-anyos na si Obiena, bago nagawang matalon ang nasabing height. Naiuwi ni Obiena ang premyong $12,000 o katumbas na P682,440.
Nagkampeon naman sa nasabing torneo ang reigning World at Olympics champion na si Armand Duplantis ng Sweden na nagawa pang burahin ang sarili niyang world record makaraang magtala ng lagpasan sa 6.23 meters.
Pumangatlo naman sa kanila ang hometown bet na si Sam Kendricks matapos ungusan sina Kurtis Marschall ng Australia at ang teammate nyang si Chris Nilsen sa pamamagitan ng countback makaraang pare-parehas silang nakatalon ng 5.72 meters. Susunod na pagtuunan ng pansin ni Obiena ang nalalapit na 19th Asian Games sa Hangzhou, China, na magsisimula sa Setyembre 29.
Comentarios