top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Obiena, naka-ginto sa Orlen Cup Poland

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 13, 2022
2 min read

ni Gerard Arce / VA - @Sports | February 13, 2022





Nagkampeon si EJ Obiena sa Orlen Cup sa Lodz, Poland kahapon, ang kauna-unahang panalo ngayong 2022 ng kontrobersiyal na Pinoy pole-vaulter.


Nagawa ni Obiena na lundagin ang 5.81 meters upang manaig kina Thiago Braz ng Brazil at Piotr Lisek ng Poland na parehong nagtala ng 5.71 meters.


Ito ang ikatlong kompetisyon ngayong taon ni Obiena, na unang nagkaroon ng problema sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA), ang sport's national governing body hinggil sa umano'y unaccounted funds.


Ang 26-anyos na si Obiena, ay unang nakalundag ng 5.01m, 5.21m, at 5.41m bago nakuha ang 5.51 mark sa unang tangka. Nasundan ng 5.61m at tagumpay din sa 5.71m hanggang 5. 81m. Sumablay na siya pagdating sa 5.90 meters sa tatlong pagtatangka.


Bukod sa panalong nakuha, awtomatiko ring nakapasok sa 2022 World Championship simula Hulyo 15-24 sa Eugene, Oregon sa Estados Unidos ang No.5 World ranked matapos makuha ang qualifying standard na 5.80-meters.


Noong nakaraang taon sa parehong kompetisyon sa Orlen Cup ay nagawang wasakin ni Obiena ang national record at maglista ng panibagong personal best na 5.86-meter kaantabay ang silver medal finish sa likod ni dating two-time world champion at 2016 Rio Olympics bronze medalist Sam Kendricks ng Estados Unidos.


Ito rin ang unang podium finish ni Obiena, makaraan ang 4th place sa ISTAF Indoor sa Berlin Germany noong Peb. 5 at 8th place sa Beijer Stavhoppsgala tournament sa IFU Arena sa Upsala, Sweden sa nakaraang 2 araw. Nabigo siya riyan na malundag ang 5.81m.


May dalawa pa siyang sasabakan na kompetisyon ngayong buwan: ang Meeting Hauts-De-France sa Lievin, France sa Peb. 17 at Orlen Copernicus Cup sa Torun, Poland sa February 22.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page