Obiena, kahit walang puntos, finalist pa rin sa Wanda League
- BULGAR
- Sep 5, 2021
- 1 min read
Updated: Sep 6, 2021
ni VA - @Sports | September 05, 2021

Kahit bigong magkamit ng puntos sa huling qualification leg, pasok at makakalaro pa rin sa finals ng Wanda Diamond League ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena.
Nagtapos lang na pang-sampu sa Memorial Van Damme noong Sabado sa King Baudouin Stadium sa Brussles, Belgium si Obiena makaraang makatalon lang ng 5.65 meters.Bagamat walang nakuhang puntos, nag-qualify pa rin si Obiena sa finals na gaganapin sa Switzerland dahil ang top 6 jumpers sa liga ang siyang maglalaban sa kampeonato.
Nangibabaw sa huling qualification meet si Tokyo Olympic gold medalist Armand Duplantis ng Sweden na natalon ang baras na itinaas sa 6.05 meters.Sumunod sa kanya si 2020 Summer Games silver medalist Chris Nilsen ng US na na clear ang taas na 5.85 meters at pumangatlo ang kapwa nito Amerikanong si KC Lightfoot na naka clear din ng 5.85 meters pero bumaba sa ikatlong puwesto dahil sa count back.
Binubuo ang top 6 pole vaulters na magtutuos sa finals nina Duplantis (42 points), Sam Kendricks ng US (34), Nilsen (24 ), Obiena (16), Lightfoot (16) at 2012 London Games gold medalist Renaud Lavillenie ng France (12).Ang finals ay nakatakdang ganapin sa Setyembre 8-9 sa Stadion Lizegrund.





Comments