Nutritionist-dietitian na natigil sa active practice ng limang taon, kailangang kumuha ng refresher
- BULGAR

- Oct 15, 2020
- 1 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 15, 2020
Dear Chief Acosta,
Isa akong registered nutritionist-dietitian at nagbabalak akong tumigil muna sa active practice ng limang taon. Matapos ang panahon na ito, may mga nararapat ba akong gawin matapos ang nasabing panahon? – Yulo
Dear Yulo,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na inyong inilahad ay ang Section 30 ng Republic Act No. 10862, na mas kilala bilang “Nutrition and Dietetics Law of 2016” na kung saan nakasaad:
“SEC. 30. Requirement for Inactive Nutritionist-Dietitians Returning to Practice. - Nutritionist-Dietitians who have not actively practiced the profession for five (5) consecutive years are required to attend a refresher course and the CPD Program offered by an institution accredited by the AIPO.”Ibig sabihin, ang mga nutritionist-dietitian na tumigil sa active practice ng kanilang propesyon sa panahon ng limang taon ay nararapat na kumuha ng refresher course at ng Continuing Professional Development Program na ibinibigay ng institusyon na kinikilala ng Accredited Integrated Professional Organization.
Sa inyong sitwasyon, matapos ang inyong binabalak na pagtigil sa active profession ng limang taon bilang nutritionist-dietitian ay nararapat kayong kumuha ng refresher course at ng Continuing Professional Development Program na ibinibigay ng institusyon na kinikilala ng Accredited Integrated Professional Organization.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon. Mas mainam kung personal kayong sumangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments