Noon si KC, ngayon si Miel… SHARON, SINISISI NG NETIZENS SA SOBRANG TABA NG MGA ANAK

ni Julie Bonifacio @Winner | May 31, 2024

Kung gaano ka-proud si Megastar Sharon Cuneta sa pag-post sa Instagram ng picture niya kasama ang anak na si Miel Pangilinan habang namamasyal sa Japan, inulan naman ng panlalait ng netizens ang mag-ina sa comment section ng post.
Nagulantang marahil ang mga netizens sa size ni Miel ngayon. Nagkataon pa na matangkad si Miel at malaking babae, at nadagdagan pa ng taba kaya para na siyang higante sa laki katabi ni Mega.
Dahil dito, sinisisi ng mga netizens si Sharon sa pagtaba ni Miel.
“Bakit hinayaan ng ganyan?” comment ng isa.
Sagot naman ng isang netizen, “Wala silang salamin sa bahay and masarap ang pagkain nila.”
May nagbigay pa ng suhestiyon para lumiit ang katawan ni Miel.
“May katawan talagang ganyan. Pa-check na lang kung may gamot para ma-reduce nang konti.”
Actually, ‘di lang si Miel ang may issue sa pangangatawan sa mga anak ni Mega. Kahit ang panganay ni Mega na si KC Concepcion ay madalas ding i-bash ng mga netizens dahil sa kanyang katawan.
Gaya na lang sa recent Instagram (IG) post ni KC na piktyur niya habang nakaharap sa salamin. Sa caption nito ay inilista ni KC ang kanyang mga ginawa these past few days.
Kabilang na d’yan ang pagbabalik niya sa kanyang fitness routine.
Comment ng netizen sa kanyang latest IG post, “Miel?” na tila ipinahihiwatig ng follower ni KC na pareho na silang “malaman.”
Anyway, may follower din si KC na natuwang malaman na back to her fitness routine ang panganay ni Mega.
“Nice to know that you're back to being fit again,” sey ng isang netizen.
Hopefully, magtuluy-tuloy na ang pag-slim ni KC at puwedeng yayain na rin niya si Miel para mag-bonding sila at the same time, sabay silang pumayat.
Well, mas better kung si Mega na ang magsama sa dalawa niyang anak sa fitness gym.
Kung nakaya ni Mega ang pumayat, for sure, keri rin nina Miel at KC.





Comments