Non-stop oil price hike... P1 diesel, P.60 gasoline, kerosene
- BULGAR

- 22 hours ago
- 1 min read
by Mai Ancheta @News | February 10, 2026

Photo FIle
Nadagdagan na naman ang penitensya ng mga motorista dahil sa panibagong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong Martes.
Batay sa abiso ng mga oil player, ang taas-presyo sa produktong petrolyo ay ang mga sumusunod:
Gasoline - P0.60 per liter
Diesel - P1.00 per liter
Kerosene - P0.60 per liter
Ayon sa Department of Energy, ang pagtaas sa presyo ng petrolyo ay bunsod pa rin ng nagpapatuloy na tensiyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.
Ito na ang ikalimang linggo ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.








Comments