Death toll sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3, umakyat na sa 51
- BULGAR

- 16 hours ago
- 1 min read
by Info @News | February 10, 2026

Photo: PCG
Patuloy pa ring nadadagdagan ang bilang ng mga nasawi sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3 sa Baluk-Baluk Island sa Basilan ngayong Martes, Pebrero 10.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), umabot na sa 51 ang nasawi habang 316 ang nakaligtas mula sa insidente.
Limang bangkay ang narekober ng PCG sa isinagawang underwater operations ngayong araw.
Agad namang dinala ang mga narekober na katawan sa Zamboanga City Port para sa pagkakakilanlan ng mga ito.








Comments