No show sa death anniv ni Ninoy… BIMBY, KUMANTANG MASAKIT NA NAMAN ANG KATAWAN NI KRIS
- BULGAR

- 40 minutes ago
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | August 24, 2026

Photo: FB Bimby Aquino
Nag-explain si Bimby Aquino kung bakit wala ang kanyang ina na si Kris Aquino sa pagdaraos ng death anniversary ni Ninoy Aquino noong August 21 sa Manila Memorial Park.
“Well, she’s having a bit body aches now,” paliwanag at pag-a-update na rin ni Bimby sa health condition ni Kris.
Pagpapatuloy ni Bimby, “That’s why Kuya Josh is not here po. He’s the one making her bantay (kay Kris). Palitan kami.”
Last time, si Bimby raw ang wala sa death anniversary ng lola niyang si former President Cory Aquino kaya si Joshua ang kasama ni Kris that time.
Nagpaunlak si Bimby ng interbyu during the death anniversary of his Lolo Ninoy kasama ang kanyang cousin na si Kiko Aquino Dee. Nandoon din ang mga elder sister ni Kris sa death anniversary ng kanilang ama, sina Viel Dee at Ballsy Cruz, kasama ang iba nilang relatives at supporters ng Aquino family.
Nagbigay din ng pahayag si Bimby tungkol sa legasiyang iniwan ng kanyang Lolo Ninoy at nagbigay ng mensahe para sa bagong henerasyon.
“Research po,” sabi ni Bimby.
Paliwanag niya, “There’s a lot of video po of Lolo on YouTube (YT) and really got to know him as a person and yeah, you will really get to know him talaga.”
Well, mukhang may nagmana na sa karisma ni Ninoy Aquino, ha.
Marami pa raw projects na naka-line-up…
ENRIQUE, HAPPY NA 10 YRS. NANG SUPORTADO NG FANS
KINUMPIRMA ni Enrique Gil ang nalalapit na pagtatapos ng teleserye nila ni Andrea Brillantes na A Secret in Prague (ASIP) sa TV5.
Inanunsiyo ito ng aktor sa kanyang video greeting sa Instagram (IG) para sa ika-10 anibersaryo ng kanyang fans club, ang QUENLANDIA Official.
Nag-video greeting si Enrique habang nagte-taping sa maulang set nila.
Pahayag niya, “Katatapos ko lang mag-take ng mabigat na eksena. Uh, malapit na kaming matapos dito sa A Secret in Prague. Pero ‘wag kayong mag-alala dahil marami pa akong project na naka-line-up from Slingshots (his own production) for you guys.”
Nagbigay din ng mensahe si Quen sa kanyang fans club on their 10th anniversary.
Bati ni Quen, “I just want to wish you guys a happy happy 10th year anniversary. Who would have known na after ten, I think even more, ‘di ba?
“Uh well, kahit papaano, nandito pa rin tayo. Nandito pa rin ako sa taping.
“Wala akong masabi kundi maraming-maraming salamat, for all the love. Kahit ‘di na tayo nagkikita masyado, always know na lagi kayong nasa isip at puso ko.
“And what a roller coaster ride it was. I don’t know for how long I’ll be doing this. Uhm, but you guys made it worthwhile ‘yung buong journey ko ng career ko.
“So I just wanna thank you so much for loving me and supporting me, and making this whole journey memorable and the best that I ever had.
“So, ‘yun lang. Maraming-maraming salamat, guys. I love you, guys. Happy, happy anniversary Quenlandia and uh, hope to see you guys again really soon.”
Natuwa siyempre ang mga fans ni Enrique sa kanyang mensahe.
“Your true fans are here supporting you all the way, through thick and thin, Take care always and God bless you, Enrique Gil.”
“Good job.”
“Happy 10th and stay sexy! LOL (laugh out loud).”
Wow!





Comments