No regrets kahit nilait-lait ng mga bashers…PAGBUBUYANGYANG, CAREER MOVE NI BEA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 26, 2021

Magkakaiba ang reactions ng mga netizens sa ipinasilip na sexy photos ni Bea Alonzo bilang Calendar Girl ng Tanduay for 2022.
Kung may mga nagsasabing hindi na siya bagay mag-pose nang sexy dahil medyo lawlaw na ang kanyang skin, marami namang fans at supporters ni Bea ang napa-“wow” dahil ngayon lang nila nakita ang kanilang idolo na nagpaka-daring sa pictorial bilang bahagi ng kanyang pagiging Calendar Girl ng Tanduay.
Nasanay na kasi sila sa dating sweet at demure na image ni Bea bilang isang dramatic actress. At may "K” naman daw na magpa-sexy ito dahil makinis ang kanyang katawan at may kurbada naman.
Sexy and classy daw si Bea at hindi masagwang tingnan ang kanyang sexy pictorials.
Well, for sure, pasado rin kay Dominic Roque ang pagpapa-sexy ng nobya sa pictorial.
Besides, hindi naman menor-de-edad si Bea kaya puwede nang magpakita ng konting skin.
At pangarap naman ng ilang kababaihan na magkaroon ng ibang image sa publiko.
Tiyak na masaya si Bea sa kanyang ginawang sexy pictorial, kahit na labis itong ikinagulat ng kanyang mga fans.
Para kay Bea, maituturing niya itong malaking achievement na nagawa niyang makamit.
At wala siyang regrets kahit na nilait-lait siya ng mga bashers.
Ang mahalaga ay masaya siya at tinanggap ng kanyang mga fans and supporters ang kanyang sexy pictorial. It's a career move kaya wala siyang dapat na ikahiya kahit kanino.





Comments