top of page
Search
  • BULGAR

No choice lang sa date nila… MICHELLE, NAINSULTO NA SI KIM ANG GUSTO NI ATTY. OLIVER

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters |April 27, 2024



SI Kim Chiu naman pala ang dahilan kung bakit sumali sa segment na EXpecially For You ng It’s Showtime ang hottie lawyer ng Cebu na si Oliver Moeller.


Kamakailan ay in-introduce na sa media si Atty. Oliver Moeller bilang bagong talent ng Cornerstone Entertainment.


Matatandaang si Atty. Oliver ang nanalo sa tatlong searchees nu'ng nag-guest si Michelle Dee sa EXpecially For You segment ng IS at bilang premyo, nagkaroon sila ng dinner o lunch date ng beauty queen.


Ang ipinagtaka ng lahat, pagkatapos ng nasabing getting-to-know each other ay bilang in-unfollow ng TV host-beauty queen si Oliver at nag-post pa ito ng, “Thank you next, hindi dapat ako option.”


Kaya, naging nega ang tingin ng iba kay Oliver na kaka-introduce pa lang ay may ganito nang isyu kaagad.


Si Kim ang type ni Oliver at marahil ay ito ang sinabi niya kay Michelle nu’ng lumabas sila kaya nasabi ng huli na "hindi siya option."


Anyway, wala pa sa showbiz ang focus ni Oliver pero kung mabibigyan ng pagkakataon ay puwede rin naman. 


May iba pa kasing career ang 32-year-old lawyer sa Cebu bilang isa sa founding partners ng MN Law Firm at ang forte niya ay corporate at labor law.


Nagtapos si Oliver ng Bachelor of Arts - Major in Political Science degree at Bachelor of Laws degree sa University of San Carlos at year 2016 nu'ng pumasa siya sa bar exam.


Kumuha siya ng Master’s of Public International Law sa University of Queensland, Australia at nagtapos noong 2019.


Bago umuwi ng Pilipinas ay nakapagtrabaho siya sa Littles Lawyers (a compensation law firm in Brisbane).


Mahilig sa sports si Oliver base sa mga larawang ipino-post niya sa kanyang Instagram account at ito nga ang adbokasiya niya, ang maging akbito ang lahat para sa healthy life.


Samantala, sa Germany ipinanganak si Oliver at tatay niya si Ginoong Heino Moller, retired professor ng Marine Biology, at Pinay naman ang inang negosyante na si Gng. Joy Moller.  


Sa Lapu-Lapu City siya lumaki at ang mga kapatid niyang babae ay sina Yasmine Möller Morris at Stella Möller Anderson. 


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page