No. 1 Korean boy band, nakahanap ng katapat… SB19, ITINAOB ANG BTS SA BILLBOARD
- BULGAR
- Dec 13, 2021
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 12, 2021

Karangalan ng mga Pinoy ang nakuhang achievement ng SB19. Inilampaso lang naman kasi nila ang No. 1 Korean boy band na BTS sa Billboard.
Ang SB19 ay gumawa ng sarili nilang pangalan sa mundo ng musika sa tulong na rin ng ABS-CBN dahil nabibigyan sila ng exposure sa long-time variety show na ASAP Natin ‘To.
Imagine, ang Pinoy Pop boy band group pa ang nakatalo sa laging nasa Top Chart Billboard, huh?!
Maging ang No. 1 fan ng BTS, ang Broadway singer na si Lea Salonga, ay napa-wow sa kanyang social media. Nag-congratulate siya sa SB19 dahil naungusan nito ang BTS bilang Hot Top Trending Chart sa Billboard para sa kanilang single na Bazinga.
“Shucks, ganda nito a!!! Congratulations, @SB19Official for landing on @billboard’s Hot Trending Chart!” tweet ni Lea.
Si Maestro Ryan Cayabyab ay sobra ring nagalak na nakopo ng Pinoy Pop boy band ang unang puwesto sa chart, na siyang nagpatupi sa BTS bilang No. 1 sa Billboard.
Post ni Master RC kung saan may screenshot siya ng article mula sa Forbes na isinulat ng contributor-writer for Hollywood & Entertainment na si Hugh Mclntyre na may title na “SB19 Becomes The First Act to Replace BTS at No. 1 On Billboard’s Newest Chart,” ay “Ayun, oh, mabuhay kayo SB19! Wooohooo!!!”





Comments