top of page
Search
  • BULGAR

Niyayang maging date… MUTYA, NAG-YES NA KAY BEAVER

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 26, 2024





Saksi ang entertainment press sa “promposal” na isinagawa ni Beaver Magtalas sa co-Star Magic talent at leading lady sa pelikulang When Magic Hurts na si Mutya Orquia.


Isinagawa ni Beaver ang ‘promposal’ sa grand mediacon ng When Magic Hurts last Saturday and in fairness, nag-effort talaga ang Star Hunt artist sa sorpresang kanyang ginawa kay Mutya.


Pinadalhan muna ni Beaver ng flowers at sapatos si Mutya sa bahay nito na makikita sa video na kanyang ipinalabas.


Sa presscon ay isinuot niya ang naturang sapatos kay Mutya at nagbigay muna ng napaka-sweet na speech kaya akala namin ay magtatapat siya ng pag-ibig sa young actress.


“A wise man once told me, be cautious of falling in love because love can be such a waste of precious time. If that’s the truth, then I’m not wise,” parte ng speech ni Beaver.


“For every moment I spend with you, it’s priceless. Every time we spend together, I cherish and treasure,” sabi pa ng young actor.


Hanggang sa itinanong na nga ni Beaver ang “Will you go to the Star Magic Prom with me?”

All throughout ay makikita naman sa reaksiyon ni Mutya na parang hindi siya makapaniwala sa nangyayari and obviously ay touched din siya sa pasabog ng leading man.


Mutya answered “Yes” at biglang may mga butterflies na nagliparan sa paligid na parte pa rin ng pasabog ni Beaver.


Naging emosyonal si Mutya while saying her part naman. Aniya, matagal na silang magkaibigan ni Beaver kaya siyempre, ‘yes’ ang isasagot niya.


Anyway, sa mga nagtatanong kung sila na ba, anila ay hindi raw dahil good friends lang sila sa ngayon lalo pa nga’t mga bata pa sila. Mutya is only 17 and Beaver is 18.


Samantala, masaya ang dalawang ABS-CBN young stars na sila ang pinagtambal sa When Love Hurts na malapit nang ipalabas sa mga sinehan. Ito ang first-ever movie ni Mutya kaya sobrang excited din niya.


Kasama rin nila sa movie sina Claudine Barretto, Dennis Padilla, Angelica Jones, Maxine Trinidad at marami pang iba mula sa direksiyon ni Gabby Ramos.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page