top of page
Search
  • BULGAR

Nilayasan ng huling dyowa, 2 anak, binitbit sa Australia… DENNIS, PROUD NA IPINAGSIGAWAN NA MAY BAGONG GF

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 27, 2024





Inamin ni Dennis Padilla na masaya ang kanyang puso ngayon at may babaeng nagpapasaya sa kanya.


“Okay naman, may girlfriend ako ngayon,” masayang sabi ng aktor nang kumustahin ng press ang kalagayan ng kanyang puso sa mediacon ng When Magic Hurts.


“Pasens'ya na kayo, ha? May girlfriend ako ngayon,” sey pa niya sabay tawa.


Nilinaw niyang hiwalay na sila ng ina ng kanyang mga anak na nasa Australia na ngayon.

“I got separated nu’ng 2020, so, my ex-wife brought my children sa Sydney,” he said.


“'Yung panganay ko, si Gavin is already 11, tapos ‘yung bunso ko, si Madie is already 6. So, for the past 3 ½ years, du’n na sila nakatira,” dagdag niya.


Kahit mahal nga raw ang sustento sa mga bata sa Australia, thankfully ay nakakapagpadala naman siya buwan-buwan.


“Kaya medyo madugo ang labanan, dahil medyo mahal ang child support. Mahal ang dolyar, eh. So, ang child support ay Australian dollars din. So, awa ng Diyos, I’m able to support and I’m able to send din ‘yung kanilang monthly child support,” say ni Dennis.


Sa ngayon nga raw ay nag-a-apply siya ng Australian visa para madalaw ang mga anak.


Maayos naman daw ang co-parenting nila ng ex-wife, at regular ang komunikasyon nila ng 2 anak. 


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page