top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nilait na chaka... FRANKIE SA BASHER: GWAPA MGA LOLA KO KAYA ALAM KO, GWAPA DIN AKO!

  • BULGAR
  • Jul 13, 2021
  • 2 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 13, 2021



Masama ang loob na binuweltahan ni Frankie Pangilinan ang isang basher na nilait ang kanyang


pisikal na hitsura. In short, hindi raw kagandahan ang dalagang anak nina Senator Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta.


Kaugnay ito ng isang "cheeky" video na ipinost ni Frankie sa kanyang Instagram kung saa'y umaawra ang dalaga habang nakikinig ng chill song.


Nu'ng July 11 (Linggo), na-bash si Frankie ng isang netizen sa comment section.

"Honest lang, maganda ka sana. Tabunan lang 'yung mata, perfect na," hirit ng netizen kay Frankie.


Hindi ito pinalampas ng half-sister ni KC Concepcion. Ini-screenshot niya ang komento ng netizen at ipinost sa kanyang Twitter account.


Sinagot ito ni Frankie ng, "Honestly lang, in what world is it okay to say this to anyone?"

Kung ganu'n man daw ang mata niya, hindi niya ito ikinahihiya na namana niya sa kanyang ama na si Senator Kiko.


Dagdag pa ni Frankie, "Nakakapagod na po. Minsan pa nga, nakakasira ng araw o buong linggo. Hindi opinyon ang pagmumukha.


"Mahal ko ang mga mata ko dahil namana ko (ang) mata ng tatay ko, na namana niya sa nanay n'ya, na namana ni lola sa lola kong Haponesa.


"Gwapa mga lola ko kaya alam ko, gwapa din ako, hehe," buwelta ni Frankie.

Noon pa man daw ay nasanay na siya sa ibang bashers na tahasan siyang bina-bash o ang kanyang pamilya. Alam niyang hindi niya mapi-please ang lahat at kahit anong gawin niya, may ilang detractors pa ring pumupuna sa kanya.


Pero this time, hindi raw niya kayang palampasin ang mga ganitong bashers na nilalait at nang-aalipusta ng hitsura.


Panghuli niyang mensahe, "Sanay na po ako. I can laugh these things off really easily, but there’s something so upsetting about thinking there are little girls who’ve never been insecure of themselves and could read comments like this only to look in the mirror and see flaws they’ve never seen before."

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page