top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ngayong tatay na ang utol na si Rodjun… BABY NINA RAYVER AT JANINE, INAABANGAN NA RIN NG NETIZENS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 26, 2020
  • 1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 26, 2020



Hindi nakalagpas sa mga netizens na kantiyawan si Rayver Cruz nang i-post ng Kapuso actor ang larawan nila ng pamangkin na si Rodolfo Joaquin Diego III o Baby Joaquin, anak ng kanyang kapatid na si Rodjun Cruz at asawang si Dianne Medina.


"Puwede na maging daddy!” ang sigaw ng mga netizens sa Instagram post ni Rayver kung saan makikitang kalong niya si Baby Joaquin habang nakasuot ng face mask.


Bumuhos pa sa comment section ang biro ng mga netizens at fans nila ng girlfriend na si Janine Gutierrez na maaari na raw silang bumuo ng sariling pamilya kagaya ng nakatatandang kapatid.


Samantala, mapapanood nang muling mag-perform on stage si Rayver at ilan pang cast members ng All-Out Sundays ngayong Linggo (Sept. 27) sa kanilang inaabangang pagbabalik-studio. Bukod pa riyan, mas pinahaba na rin ang oras ng programa na mapapanood mula 12 PM hanggang 1:45 PM sa GMA-7.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page